Friday , November 22 2024
STL PCSO money
STL PCSO money

Kalahating bilyong kita sa STL hindi inire-remit sa PCSO

LANTARANG inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office Director Sandra Cam na umaabot sa mahigit kalahating bilyong piso ang hindi inire-remit sa PCSO ang singil sa Small Town Lottery (STL).

Sinabi ni Cam, malaking pera ang nawawala sa kaban ng  PCSO dahil sa kagagawan ng mga delinkuwenteng STL operators na ‘pino­proteksiyonan’ umano ng ilang tiwaling opisyal ng PCSO.

“Lumaki nang lumaki ang shortfall o deficit sa kita ng STL ng PCSO dahil may nagbibigay sa kanila ng proteksiyon,” ani Cam.

Malakas umano ang loob dahil hindi pa rin  kanselado ang mga lisensiya o prankisa ng STL operators sa kabila ng kanilang pagiging delinkuwente ay binibigyan umano sila ng ‘proteksiyon’ at kumakapit sa mga opisyal ng PCSO.

Ayon kay Cam, inireport na umano niya kay GM Balutan ang mga delinkuwenteng operators pero ang sagot umano sa kanya ay pagbigyan na lamang.

Isa sa pangunahing dahilan sa pagkakansela ng prangkisa o lisensiya ng STL operator ay hindi pagre-remit ng kita sa PCSO.

Aniya, mag-iisang taon nang hindi nagre-remit ng pera sa PCSO ang mga delinkuwenteng operators kaya malaking pondo ang nawawala sa kaban ng gobyerno na dapat sana ay maitu­tulong sa mahihirap at mailalaan sa paggawa ng iba’t ibang proyekto.

Inihayag ni Cam, ang mga hindi nagre-remit na operators ay mga dating heneral o mga kamag-anakan nila.

Nangako si Cam na ipaparating niya kay Pangulong Duterte ang problemang ito sa STL.

Sinabi ni Gen. Balutan na huwag sila ang sisihin ni Cam kung hindi niya masingil ang mga operator ng STL. Nabatid si Cam ang in-charge sa koleksiyon ng mga utang sa PCSO.

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *