Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny Piñol Jason Aquino NFA rice
Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

Jason Aquino wala na sa NFA (Palasyo sinopla si Piñol)

WALA na ni katiting na papel sa National Food Authority (NFA) at NFA Council si Jason Aquino taliwas sa paha­yag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hanggang Oktu­bre pa siya mananatiling NFA administrator.

Sa Palace press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque, ini­linaw ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi na konektado si Aquino sa NFA.

“Tapos na po ‘yang isyu na iyan. I had a talk with SAP Bong Go last night and that issue has been settled; he no longer is NFA,” ani Roque hinggil sa ulat na du­malo pa sa NFA Council meeting kama­kalawa.

Nauna rito’y iniha­yag ni Piñol na hang­gang hindi pa nag-a-assume si Gen. Rolando Bautista bilang kapalit ni Aquino ay mananatili ang huli bilang NFA adminis­trator kahit pa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggap na niya ang resignation ng dating opisyal.

Kamakalawa, sinabi ni Roque na si Aquino ang isa sa mga dapat sisihin sa pagbagsak ng trust at popularity rating ng Pangulo dahil sa nilikha niyang krisis sa bigas na nagdulot ng paglobo ng inflation.

Tiniyak ni Roque na kakasuhan niya ng technical malversation, graft and corruption si Aquino para mabulok sa kulungan sa ginawang prehuwisyo sa publiko.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …