Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

107 katao nalason sa feeding program

Hataw Frontpage 107 katao nalason sa feeding program Sa Muntinlupa
Hataw Frontpage 107 katao nalason sa feeding program Sa Muntinlupa

AABOT sa mahigit 107 katao, kara­mihan ay mga bata, ang sinasabing nala­son sa pagkain sa feeding pro­gram ng isang pribadong eskuwe­lahan para sa mahihirap na pamilya sa Muntinlupa City, kamakalawa.

Agad nagtungo si Mayor Jaime Fresnedi sa Ospital ng Muntinlupa (OsMun) upang personal na pangasiwaan ang pagkalinga at pagbibigay ng libreng gamutan sa mga pasyenteng naging biktima ng food poi­soning.

Naging katulong ni Fresnedi sa pag-aasikaso sa mga pasyente si Dr. Edwin Dimatatac, ang director ng OsMun.

May 98 pasyente ang naitalang isinugod sa OsMun ng nagrespon­deng rescue team at ambulansiya mula sa iba’t ibang barangay sa Muntinlupa, ang ibang biktima ay pinauwi ma­karaan malapatan ng lunas, habang ang iba pa ay under observation sa pagamutan.

Ilan sa matatanda na nagpasyang sa bahay na lamang magpagaling ang binigyan ng medical treatment ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya, dakong 10:00 am noong Sabado ay nagsagawa ng feeding program ang pamunuan ng De La Salle Santiago Zobel School sa Ayala Alabang, sa indi­gent families na nakatira sa Southville 3, NHA, Makabuhay Extention, NBP reservation com­pound, Brgy. Poblacion, Muntinlupa.

Sa naturang feeding program ay kumain sila ng kanin, nilagang itlog, giniling na baboy at saging ngunit pagsapit ng 6:30 pm ang mga biktima ay nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Dito na humingi ng tulong ang mga residente sa kanilang opisyal ng barangay na dagliang umaksiyon at tumawag ng rescue team para dal­hin sa pagamutan ang mga biktima.

Samantala, inaalam ni Dr. Juancho Bunyi, acting health officer ng Mun­tinlupa, ang posibleng naging dahilan ng uma­no’y pagkalason ng mga biktima, habang hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng nasa­bing esku­wela­han.

ni MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …