Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tres Marias nina Sunshine at Cesar, ipinagbunyi ang desisyon ng korte

MEDYO kakatuwa iyong nakita naming video. Kinunan ng video ang reaksiyon ng mga anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz matapos na ilabas ang desisyon ng korte na nagbigay ng annulment sa kanilang naging kasal noong September 14, 2000. Inilabas iyon eksaktong 18 taon at apat na araw matapos ganapin ang isang “Christian wedding” ng dalawa.

Iyong mga anak nila, mukhang tuwang-tuwa pa sa naging desisyon ng korte. Sinasabi naming hindi karaniwan iyan, dahil ang karaniwan sa mga bata, gusto siyempre nila na buo ang kanilang pamilya. Kaya nga karaniwan, at maski sa mga teleserye, hinihiling ng mga anak sa naghiwalay nilang magulang na magsamang muli. Ayaw na naming itanong at masyado nang personal para alamin pa namin kung bakit masayang-masaya ang kanilang mga anak sa tuluyan nilang paghihiwalay.

Kung sa bagay, sa kaso ng annulment, kahit na iyan ay isang deklarasyon na walang kasal na naganap kahit nagkaroon ng seremonya, dahil sa iba’t ibang kadahilanan, iyong mga anak na isinilang sa isang annulled marriage ay hindi apektado. Nananatili silang lehitimo at legal na anak ng kanilang mga magulang dahil may “presumption of marriage” noong sila ay ipanganak. Pero kakatuwa talaga ang katuwaang nakita namin sa video na iyon niyong tatlong bata.

Hindi naman si Sunshine ang unang asawa ni Cesar. Ang una niyang asawa ay kinilalang si Marilyn Polinga, na namatay na noong 1993. Pero bago si Sunshine, naanakan ni Cesar ang aktres na si Teresa Loyzaga, at naging anak nga nila si Carlos Diego na artista na rin ngayon.

Pagkatapos naman ni Sunshine ay may sinasabing iba pang nakarelasyon si Cesar, kabilang na ang isang beauty queen at isang kinilalang Kath Angeles na kung kanino sinasabing mayroon na rin siyang mga anak. Pero walang inaamin si Cesar sa mga usapang iyon.

Siguro naman, sa desisyong iyan ng korte matatapos na ang usapan sina Cesar at Sunshine.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …