Tuesday , April 15 2025

15,000 health workers mawawalan ng trabaho (Sa tapyas na budget ng DOH)

POSIBLENG mawalan ng trabaho ang higit 15,000 health workers ng gobyerno dahil sa pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang pondo ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng Senado nitong Lunes sa pondo ng DOH para sa 2019, kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Budget Assistant Director Jane Abella dahil sa pagbawas sa pondo para sa dalawang programa ng Health department.

Ang mga tinutukoy na programa ang Health Facilities Enhancement Program na layong magtayo ng mga karagdagang pagamutan at ospital, at ang Health Human Resources Deployment na pansuweldo sa mga health worker.

Dahil sa tapyas, posibleng walang maita­yong mga health center at ospital, at mawalan ng trabaho ang 15,012 health workers gaya ng mga doktor at nars, ayon kay Drilon.

Ngunit ayon kay Abella, binawasan ang mga pondo dahil sa mabagal na paggamit ng mga pondo sa mga programa nitong taon.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *