Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguard Security Alarm System
Miguard Security Alarm System

Cardo Dalisay at Victor Magtanggol, may kakampi sa pagliligtas sa mga naaapi

NAGKAKABIRUAN ang mga entertainment press na dumalo sa paglulunsad ng Miguard Security Alarm System, ang bagong gadget mula Green Energy na makatutulong sa pagsugpo sa laganap na krimen sa bansa dahil ito na raw ang sagot at katulong nina Cardo Dalisay at Victor Magtanggol.

Si Cardo Dalisay ang ginagampanang karakter ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang tagapagligtas ng mga naaapi, na bagamat hinahabol ng kapwa pulis, inuuna pa rin ang mga nangangailangan ng tulong. Si Victor Magtanggol naman si Alden Richards, na tulad ni Coco, hangad ding makatulong at mailagtas ang sinumang nasa panganib.

Ang MiGuard Security Alarm System ay isang aparato na idinisenyo para mapigil ang iba’t ibang krimen na posibleng maganap sa kanino man.

Kasama sa package ng Miguard ang Pan&Tilt HD IP Camera, Motion Detector, Door Sensor, SOS Button, Medical Button, Gas Detector, Water Leak Detector, Smoke Detector, at Remote Controls.

“Misyon ng Miguard na mabigyan ng proteksiyon ang bawat Filipino lalo na sa krimen. Naninindigan kami sa aming tagline na We Want You Safe,” sambit ni MiGuard President Manuel Syquian Jr..

“Hindi lamang ng mahal ninyo sa buhay ang nais naming proteksiyonan, bagkus ang inyong tahanan na inuuwian ay nais naming ingatan. Paras maiiwas ito sa sunog gayundin sa problema sa baha na kinakaharap ng marami nating kababayan sa tuwing panahong ng tag-ulan,”dagdag pa ni Mr. Syquian Jr.

Imagine kung ang bawat tahanan ay may Miguard Security Alarm System, maiiwasan ang napakaraming sunog na nangyayari sa araw-araw o sa oras-oras dahil sa Gas Detector apparatus nila.

Ang galing nga ng alarm system na ito dahil sa anomang emergency may sagot sila. ”Lalo na sa Quezon City mayroon tayong 24/7 command center na tutugon sa kanilang kailangan na tulong dahil mayroon tayong ugnayan sa PNP, Bureau of Fire and Protection, at mga pampublikong ospital.

“An gaming misyon ay makapagbigay ng kahalintulad na serbisyo sa buong bansa sa mga darating na panahon,” giit pa ni Mr. Syquian Jr.

Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tumawag sa 7179806 o bumisita sa kanilang website sa www.miguard.net.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Jolo, na-pressure sa paggawa ng action movie
Jolo, na-pressure sa paggawa ng action movie
Kylie, may gustong patunayan
Kylie, may gustong patunayan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …