Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
090418 Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte sa Yad Vashem Holocaust Memorial Center

Holocaust victims kinilala ni Duterte

JERUSALEM – Nagbigay-pugay si Pangulong Rodrigo Dut­erte sa milyon-milyong Hud­yo na nagbuwis ng buhay no­ong Holocaust ng World War III.

Nag-alay ng mga bulaklak si Pangulong Duterte kahapon sa Yad Vashem Holocaust Memorial Center sa Remem­brance Center, ang pinaka­malaking himlayan ng mga biktima sa Israel.

Kasama ng Pangulo ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at iba pang mga opisyal na delegado sa pag-ikot sa Memorial Hall Venue, Hall of Remembrance at Children’s Memorial Hall at nag-alay ng mga bulaklak.

Ang pagbisita ng Pangulo sa lugar ay bilang pagkilala ng Filipinas sa mahalagang ambag ng karanasan ng mga Hudyo, lalo ang masaklap at mapait nilang kasaysayan.

Nauna nang ipinagmalaki ni Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial na dahil sa pagkilala ng Israel sa pagtang­gap ng Filipinas sa Jewish refugees na tumakas sa Holo­caust noong dekada ‘30, ay visa-free ang pagpunta ng mga turistang Filipino rito.

Unang aktibidad ng Pangulo kahapon ang pulong kay Israeli Prime Minister Benjamin Neta­nyahu.

Magugunitang noong 2016 ay umani ng batikos si Pangulong Duterte nang ihayag niya na hindi siya mag-aatubili na patayin ang may tatlong mil­yong Filipino na lulong sa droga sa bansa na mga salot sa lipunan.

Humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mga Hudyo at ipinaliwanag na ang kanyang ibig sabihin ay malaki ang pagkakaiba nang malawakang pagpaslang sa mga Hudyo para maubos ang susunod nilang henerasyon sa umano’y extrajudcial killings sa Filipinas na ibinibintang ng kanyang mga kritiko na siya ang promotor, dahil ang kampanya kontra kriminal ng admini­s­trasyon ay magsasalba sa susunod na henerasyon ng mga Filipino.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …