NALUNGKOT si Anne Curtis dahil napirata na ang pelikula niyang Buy Bust at naka-post pa sa social media.
I-tinag si Anne ng netizen na si @mckinleynocon, ”I’m randomly checking facebook and saw this. Might as well have your team check the pages and the names, I reported it already as well. #NoToFilmPiracy.
Base naman sa post ni Anne sa kanyang 10.5M followers sa Twitter, ”Kaloka! Ung mga ginagawa ito. Sana ma-realize nyo we worked on this film for 2 years. Tapos ganun lang?”
Oo nga, ang laki ng hirap ng Team Buy Bust tapos mapipirata lang?
Naipalabas na ang Buy Bust nitong Agosto 1 at sa loob ng dalawang linggong pagpapalabas nito ay hindi umabot sa P100-M ang kinita.
At dahil may 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival kaya tinanggal ang Buy Bust at muling ibinalik pagkalipas ng isang linggo.
Sabi sa press release, due to insistent public demand kaya ibinalik ang Buy Bust sa mga sinehan at marami naman talagang nanonood pa kaya naman nagpalabas na ang Viva Films na umabot na sa mahigit P100-M ang kinikita ngayon ng pelikula ni Anne na idinirehe ni Erik Matti.
Kumita na ang Viva sa Buy Bust dahil nabili na ito ng Netflix at naipalabas na rin sa maraming bansa, ayon na rin sa aming source.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan