Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Ex-parak, anak arestado sa P3.4-M shabu

ARESTADO ang isang dating pulis at ang kan­yang anak sa ikina­sang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Caloocan City, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina dating S/Insp. Eddie Anian Arajil, nakatalaga sa Quezon City Police station noong 2004, at Ambedkhar Jam­maf Arajil, 40, kap­wa tubong Jolo, Sulu.

Batay sa ulat ni Regional Director Levi Ortiz, dakong 4:30 pm nang magsagawa ng buy-bust operation sa tapat ng isang convenience store sa Quirino Highway, sa nasabing lungsod.

Nakuha sa aresta­dong mag-ama ang 500 grams ng high grade shabu, tinatayang P3.4 milyon ang street value, at P3.4 milyon boodle marked money.

Ayon sa pulisya, ang hinihinalang shabu ay mula sa Malaysia at ibinabagsak ng mag-ama sa Zamboanga at ibini­biyahe sa Maynila.

Ayon kay Ortiz, noong Marso 2018 unang nahuli ang misis ni Arajil sa kasong droga at kasa­lukuyan pang naka­kulong.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …