Monday , December 23 2024

TRAIN Law 2 malabong maipasa sa Senado

INAMIN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mayorya ng mga senador ay hindi pabor na talakayin ang ikalawang package ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law kahit na binanggit ito ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address.

Ayon kay Sotto, ito ay dahil hindi natupad ang mga ipinangako at ang pagtaya ng econo­mic managers nang mangyari ang delibera­syon ng TRAIN 1.

“Paso kami sa TRAIN 1 e. Hindi kami kompor­table sa naririnig namin na sabi nila walang inflation, e may inflation e,” wika ni Sotto.

Kabilang aniya sa mga legislative agenda na tinalakay sa kanilang caucus ng majority sena­tors ang TRAIN 1.

Mayroon din aniyang delay sa implementasyon ng mga hakbang na mag­papagaan sa epekto ng TRAIN 1 para sa ma­hihirap kabilang ang cash transfer at fuel subsidy para sa mga tsuper.

“Hindi maiiwasan na mag-init ang ulo ng members ng Committee of Ways and Means dahil ‘yun ang sinabi nila,” giit ni Sotto.

“Kung TRAIN 2 ang pinag-iinitan nila, tingnan nila ‘yung dalawang bill na sinasabi namin na naka-pending sa amin imbes TRAIN 2 ang pag-usapan. Mas madali sa aming makipag-usap sa kanila pagkaganoon,” dagdag ni Sotto.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *