BIGO ang panukalang ipagbawal ang political dynasty sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL).
Tinanggal na ang probisyong ito sa kadahilanang lumabag sa “equal protection clause” ng Saligang Batas ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas.
Ang tinanggal na probisyon ay Sec. 15 sa Article VII, ng Senate Bill 1717 na naglalayong ipagbawal ang mga magkakamaganak hanggang sa 2nd degree sa parliamento.
Ani Fariñas, ang probisyon ay puwede lamang gamitin sa halal na mga opisyal sa Bangsamoro region at hindi sa buong bansa.
Binanggit din ni Fariñas na doon sa kontrobersiyal na probisyon ipagbabawal ang kamaganak sa 2nd degree ng isang party representative pero hindi ipinagbawal sa mga party representative na kamag-anak ng mga asawa na hindi kasal.
Ang mga Muslim, aniya, ay puwedeng mag-asawa hanggang apat.
Inihalintulad ni Fariñas ang probisyon sa isang batas na nagbabawal sa isang “elective position” habang pinapayagan ang iba sa kabuuan ng bansa.
Mula sa oposisyon, sinabi ni Caloocan Rep. Egay Erice na nasa interes ng mga politiko ang pagtanggal sa probisyon ng “political dynasty.”
(Gerry Baldo)