GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato – Binawian ng buhay ang isang 59-anyos lalaki makaraan mabagsakan ng puno ng Balete sa Brgy. San sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng hapon.
Nagbibisikleta ang biktimang si Rogelio Tomis nang tiyempong natumba ang puno dahil sa malakas na hangin at nabuwal sa matanda, ayon sa ilang residente. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.
Nagdulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas ang bagyong Domeng at ang habagat, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Sa gitna ng masamang panahon, binaha ang ilang lugar sa General Santos City.