Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ret. Gen. Danilo Lim, todo-serbisyo sa bayan

MAITUTURING si MMDA chairman, ret. Gen. Danilo Lim na isang action man sa Duterte ad­ministration.

Isa siya sa mga opisyal ni Pangulong Duterte na napakaraming nagagawa sa Metro Manila para maging maayos ang mga kalye at lumuwag ang trapiko ng mga sasakyan at pedestrian.

Ang karamihan ng kanyang tauhan sa MMDA ay nagtatrabaho nang husto.

Inirerespeto nila si Chairman Danny Lim at sumusunod sila sa lahat ng utos kaya naman maayos ang organisasyon ng MMDA.

At lahat ng gumagawa ng kalokohan sa MMDA ay pinatatalsik ni Gen. Lim.

Kaya naman napakarami ang hanga sa kanila dahil sa serbisyo publiko na kanilang ipinama­malas.

Kahit saan ipuwesto si Gen. Danilo Lim ay subok na sa serbisyo.

Siya ay napakasipag, napakatalino, at totoong may malasakit sa bayan.

Si MMDA Chairman Danilo Lim ay naglagay ng 100 street sweepers at miyembro ng clearing group sa mga piling lugar sa Parañaque, Taguig at Makati City kasama ang mga miyembro ng local government units nitong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections.

Napakarami ang sumusuporta sa kaniya dahil sa kabutihan niya at pagiging mapagkumba­ba sa kapwa.

Hindi man lang nakitaan ng pagyayabang si Gen. Lim bagkus siya ay isang napaka-low profile na tao.

Kaya sa lahat ng kababayan natin diyan, sana ay tulungan ang MMDA sa pangunguna ni Chairman Danny Lim na maging maayos sa Kamaynilaan at maglinis sa ating mga lugar nang sa ganoon ay mas gumanda, mas maging maayos at mas magig malinis ang mga siyudad sa Metro Manila.

Gen. Danilo Lim, sir, you are one of a kind!

Dapat kang ikarangal ng bayan dahil sa iyong kabayanihan at katapangan na harapin lahat ang iyong nasasakupan.

Mabuhay po kayo! Mabuhay ang buong MMDA!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …