Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marawi siege madilim na parte ng kasaysayan (‘Di dapat ipagdiwang — Go)

WALANG dapat ipag­di­wang sa unang anibersaryo ng Marawi siege ngayon dahil ito’y isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Sinabi ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong”Go ang dapat gawin ng samba­yanan ay matuto sa aral ng masaklap na pangyayari sa Marawi City upang hindi na maulit saanmang bahagi ng Filipinas at itaguyod ang rehabilitasyon ng siyudad.

Wala aniyang balak si Pangulong Duterte na magtungo sa Marawi City ngayon para lumahok sa paggunita nang pagwasak ng Maute- ISIS terror group sa lungsod.

“The start of the Marawi siege is something that is not worth celebrating. And for being such, the President is not keen on visiting Marawi a year after it was desecrated by members of the ISIS-Maute group,” ani Go.

“What we should do at this time is to reflect on the lessons we have learned during this dark chapter in our history, to prevent a similar incident from hap­pening again in any part of our country and to sustain our efforts to rebuild and rehabilitate the city,” dagdag niya.

Pupunta sina Pangulong Duterte at Go sa Oktubre o sa anibersaryo ng liberasyon ng Marawi City.

“The President and I, however, prefer to join the people of Marawi City during the celebration of its liberation. Mas nanaisin ng Pa­ngulo na sa muling pagdalaw niya sa Marawi ay makitang nakabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Maranao. Sa ngayon, maganda ang takbo ng rehabilitasyon ng Marawi City at 70% ng mga residente ay nakabalik na sa kanilang tahanan,”giit ni Go.

ni Rose Novenario

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …