Friday , April 25 2025

Barangay narco-list inilabas ng PDEA

INILABAS na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon ang listahan ng mga  pangalan ng 207 barangay officials na sinasabing protektor at sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa bansa.

Sa press conference, tila tuluyang hinubaran ng maskara ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang 90 punong barangay at 117 kagawad na sangkot sa pagpapakalat ng shabu sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay Aquino, karamihan sa narco-list ay mula sa lalawigan, partikular sa Bicol na umaabot sa 70 executives; 34 sa Caraga, 13 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at sa iba pang panig ng bansa.

Tinukoy rin na siyam sa listahan ay mula sa NCR, lima sa Maynila, dalawa sa Malabon, isa sa Mandaluyong at isa sa Caloocan.

Sinabi ni Aquino, inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga natukoy sa ‘narco-list.’

“Isang linggo mula ngayon ay magsasampa ng kaso laban sa kanila.”

Binigyang-diin ni Aquino na ang inilabas nilang listahan ay valida-ted ng PDEA, Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordination Agency (NICA) at Intelligence Service of the Armed For-ces of the Philippines (ISAFP).

“This was validated on the ground. There is no truth that this will serve as hitlist. It will not,” ani Aquino.

Tiniyak ni  Aquino na bibigyan nila ng proteksiyon ang mga nabanggit sa opisyal mula sa po­sibleng galit ng publiko.

“The PNP will make assurance to the public that these people should be given protection that no one will harm them,” pahayag ni Aquino.

Iginiit ni Aquino, ang pagpapalabas ng mga pangalan ay upang ma-bigyan ng impormasayon at babala ang publiko na huwag silang iboto sa nalalapit na Barangay at SK election sa 14 Mayo.

“Aside from these 207 barangay officials, there are 274 barangay officials that are being validated. Once the validation is completed, PDEA will also be revealing the names of these officials. PDEA has a greater res-ponsibility to the state and the public because the interest of the majority is greater than that of the erring few,” dagdag ng opisyal.  (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *