Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, nagiging suwail na raw dahil kay Elmo

PATULOY palang ‘di pa nagkakasundo ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador dahil sa pagkahumaling ng batang aktres sa batang aktor. May panahong ipino-post ni Jenine sa Facebook n’ya ang tungkol sa katigasan ng ulo ni Janella kapag may kinalaman sa relasyon n’ya kay Elmo Magalona.

Nagiging suwail na raw si Janella dahil sa relasyon n’ya sa anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona.

Recently, may pinapatamaan si Jenine sa Facebook na isang tao na umano ay laging naggi-gatecrash sa family events nila. Nadiskubre ng  fans nina Janella at Elmo na sumusubaybay sa mga shout-out ni Jenine sa FB na si Elmo pala mismo ang pinatutungkulan ni Jenine.

Sa mga interview kina Janella at Elmo para i-promote ang Valentine movie nilang My Fairy Tail, may mga mapang-intrigang tanong tungkol sa umano’y pagiging tutol ni Jenine sa pakikipagmabutihan ni Janella kay Elmo. In-imply din sa mga tanong sa kanila ang tungkol sa tao na pinagbibintangan ni Jenine na gatecrasher sa family events nila.

Sumagot ang dalawa na okey na okey lang ang relasyon nila sa pamilya ng isa’t isa. At sa tuwing dumadalo raw si Elmo sa family event nina Janella, ‘yon ay dahil invited nga siya.

Sinagot ‘yon ni Jenine sa Facebook page n’ya na dapat nang tumigil ang dalawa sa mga kasinungalingan nila. Hindi naman inilalagay ni Jenine ang pangalan ng mga pinatutungkulan n’ya pero alam ng fans nina Janella at Elmo na ang mga idolo nila ang pinariringgan ng ina ni Janella.

Nilinaw ni Jenine na maaaring may nangungumbumbida kay Elmo sa family event nina Janella—pero hindi ang mismong host ng event ang nag-imbita sa kanya kaya maituturing pa rin siyang “gatecrasher.”

May fans na nagsimula nang i-bash si Jenine dahil sa mga posting nito. May mga nanghuhusga na masamang ina si Jenine, walang malasakit sa anak, at parang ‘di nagdaan sa pagiging teenager.

“Don’t judge me!” very dramatic naman na sagot ni Jenine sa mga basher n’ya.

Isa pala sa mga nakasusubaybay sa mga posting ni Jenine ay ang Pinoy Broadway star na si Lea Salonga. Magkaibigan sila dahil nagkasama sila sa Miss Saigon sa London. Noon ngang tumigil na si Lea sa pagganap na title role na Kim, may isang season na si Jenine ang isa sa mga aktres na pumalit sa kanya.

Nag-comment si Lea sa shout-out ni Jenine.

“I am not judging you and I will not judge you,” pahayag ni Lea. Nilinaw din nitong naiintindihan n’ya ang kalagayan at mga kabalisaan ng isang ina.

May pumuna rin nga pala na nagtatanong kung bakit ‘di kumikibo si Pia Magalona para ipagtanggol ang anak n’yang si Elmo. Pero mabuti na ngang manahimik na lang si Pia. Kung sumali siya sa usapan, baka magkaroon talaga ng alitan ang dalawang pamilya. Baka magkabulgaran sila ng mga nagdaan sa buhay nila na ‘di na dapat pang ungkatin at mapagpiyestahan ng madla.

Kumita naman ang My Fairy Tail kaya todo-pasa na lang muna ang disgusto ni Jenine kay Elmo.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …