Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Bagong van ni Sunshine, nai-deliver na

MASAYANG-MASAYA si  Sunshine Cruz bago pa mag-Valentine’s day, kasi nai-deliver na sa kanya ang isang bagong-bagong van. Noon pa sana iyon eh, kaso nautang nga ang pera niya at natagalan bago siya nabayaran ng unti-unti. Minamadali pa naman ni Sunshine ang pagbili ng bagong van na iyon. Kasi nga iyong mas malaking sasakyan na rati niyang ginagamit, gusto niyang iyon naman ang gamitin ng kanyang mga anak.

Problema na rin ni Sunshine iyon eh. Iyong sasakyan na ginagamit ng mga anak niya, hindi na talaga maayos ang preno. Malaki na ang gastos niya sa repair pero wala pa rin, at inaamin na nga niyong distributor mismo niyong sasakyang iyon na ang kailangan na nga siguro ay replacement ng buong sasakyan. Noon umaasa naman si Sunshine na mapapalitan iyon, pero nakita niyang walang pag-asa kaya kumilos na siya on her own.

Iyong sasakyan na niya ang ginagamit ng mga anak niya, kumuha naman siya ng mas maliit ng kaunti na siya naman niyang ginagamit ngayon sa kanyang mga shooting at taping. Alam naman ninyo si Sunshine ngayon, kabi-kabila rin ang trabaho, at kailangan din naman niya ang isang sasakyang maaari siyang magpahinga habang bumibiyahe o kaya habang naghihintay siya ng take.

Nang dumating nga ang bagong sasakyan, masaya na siya at sinasabi niyang “mapapanatag na rin ang kalooban ko dahil alam kong safe rin naman ang mga anak ko sa mga lakad nila. Mahirap din iyong kung minsan nasasabay ang lakad nila sa akin, napipilitan silang gamitin iyong lumang van na ibinigay sa kanila na alam naman naming lahat na mahina na ang preno.”

Talagang kung minsan, mayroong mga problemang ganyan. Pero pasasaan ba at darating din naman ang solusyon.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …