Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, nahuling may iba si JC

DAHIL sa nasaksihan niyasa amang nakikipaghali kan sa ibang babae nang dalawin niya sa trabaho ito ng kanyang kabataan, nag-iba ang pananaw ng bidang karakter sa MMK (Maalaala Mo Kaya) na gagampanan ni Bela Padilla ngayong Sabado, Pebrero 17, sa Kapamilya.

Ang pagiging malapit sa ama ay nasugatan sa nasabing insidente. Pero sa kalaunan, ang binatang si Gio na gagampanan ni JC Santos ang magpapabago ng lahat.

Masigasig ang binata sa kanyang panliligaw kaya nakuha niya ang loob ng dalaga. Kaya naman ang dati’y takot umibig, in a relationship na.

Taon din ang itinakbo ng kanilang pagsasama at maging ang pangarap ni Karla na makapunta sa Hong Kong Disneyland ay sabay din nilang tinupad. Mala-fairy tale na sana ang lahat hanggang sa madiskubre ni Karla na may nilalandi na palang iba si Gio.

Paano kaya tinanggap ni Karla ang ginawang panloloko ni Gio? Bibigyan pa kaya nito ang nobyo ng second chance?

Ang kasamang gaganap nina Bela at JC sa episode ay sina Belle Mariano, Zaijian Jaranilla, Almirah Muhlach, Eda Nolan, Heaven Peraleja, Sophia Baars, at Chienna Filomena.

Ang episode ay mula sa direksiyon ni Nuel Naval at panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna.

Muli bang patitibukin nina Bela at JC ang mga pusong naka-miss na sa pagsasama nila sa eksena?

HARDTALK
ni Pilar Mateo

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …