KASUNOD nang pagbalik sa Philippine National Police (PNP) sa kampanya laban sa ilegal na droga, sinalakay ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang hinihinalang drug den sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dakong 12:45 am nang salakayin sa bisa ng search warrant ang isang bahay sa St. Bernadette St., Villa Lourdes Subd., Brgy. Culiat, ng nabanggit na lungsod, nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Derek Framil.
Nakuha sa bahay ni Framil ang isang .45 at .38 kalibreng baril, at 30 maliliit na sachet ng shabu, tinatayang P100,000 ang halaga.
Ayon kay Eleazar, si Framil ay kabilang sa drug watchlist ng QCPD.
Dagdag ni Eleazar, nakipag-ugnayan muna sila sa PDEA bago isinagawa ang nasabing pagsalakay. (ALMAR DANGUILAN)