Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Command center binuwag ni Lapeña

BINUWAG na ni Customs Commissioner Sid Lapeña ang BOC comcenter at SSPDC dahil diyan daw nag-umpisa ang umano’y corruption at extortion.

Dapat talagang alisin na ‘yan kasi pati mga contractual employee ay nasasangkot sa anomalya.

Nagulat pa nga raw si Comm. Lapeña noong nakita niya ang 5th floor na ubod nang ganda. Sabi ng mga broker, dapat daw umalis na si Director Gambala dahil kanya raw ‘nasunog’ ang BOC na kanyang inirereporma.
Sabaga’y walang bahid ng corruption si Gambala pero dapat talagang umalis na siya.

Sinabi ni commissioner Lapeña na pulis na ang hahawak ng CCTV dahil puro contractual at job order ang gumagawa roon na maaaring maging security threat. Suggestion ng mga taga-customs, dapat ipatawag ni Lapeña ang lahat ng staff sa kanyang opisina (OCOM) para magkaroon ng fresh start daw.

***
In fairness, magusay rin naman ang ginawa ng grupo ni Faeldon sa customs para tumaas ang collection.

Pati si Depcom Ariel Nepomuceno ay nadamay rin sa kontrobersiya sa customs dahil never naman nakikipag-usap ‘yan sa broker/importer bagkus hinuhuli nga niya ang  mga smuggler.

***
Nakasabat agad si Commissioner Lapeña ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P10 milyon at agri-products kagaya ng carrots at sibuyas na nagkakahalaga ng P9 million. 

‘Yan ang action man at trabaho agad!
***
Attention Comm. Sid Lapeña:

Section 9 sa MICP ‘yan ang dapat bantayan at imbestigahan dahil maraming trabaho na malalalim diyan.

Pati mga mayayaman na naka-assign sa informal entry division  sa MICP at POM dapat paimbestigahan na rin baka may mga nagsasamantala na nagpaparating ng droga.

Lalo na ‘yung isang opisyal sa Informal division sa MICP na pa-dance dance dahil sa dami ng tara?!

***
Isang alias JOEL na nagpapakilalang taga-PCCI kuno ay dapat imbestigahan dahil sa pakikipagsabwatan sa mga broker at smuggler.

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …