Tuesday , December 24 2024

Abandonadong E-bike ininteres, 5 tanod arestado (May kargang droga)

INIHARAP sa mga mamamahayag ni Sr. Supt. Gerardo Umayao, hepe ng Makati City police, ang dalawa sa limang tanod na sina Alvin Notado, 40, at Leo Dela Cruz, 52, inaresto ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU), makaraan hindi agad i-turn-over sa pulisya ang kanilang natagpuang abandonadong e-bike na sinasabing may kargang ilegal na droga sa Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod. Nasamsam sa locker ng barangay hall ang tatlong pakete ng shabu, dalawang plastic sachet ng marijuana, 10 vials ng kesotea, tatlong piraso ng ecstacy, at isang water pipe, tinatayang higit sa P4 milyon ang halaga. (ERIC JAYSON DREW)

ARESTADO ang limang barangay tanod makaraan makombinsi ng mga pulis na i-turnover ang natagpuan nilang e-bike na may kargang halos kalahating kilo ng shabu, at iba pang uri ng ilegal na droga sa Makati City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., ang mga inaresto na sina Alvin Notado, John Russel Ching, Diosdado Sta. Romana, Dennis Dalisay, at Leo Dela Cruz, pawang nasa hustong gulang, at mga miyembro ng Bantay Bayan ng Brgy. San Antonio, Makati City.

Base sa ulat na ipinarating sa SPD, pasado 8:00 pm nitong 2 Agosto, nakombinsi ng mga awtoridad ang limang tanod na isurender ang natagpuan nilang abandonadong e-bike sa bahagi ng Brgy. San Antonio sa nasa-bing lungsod nitong Biyernes, batay sa kuha ng CCTV.

Bukod sa e-bike, nakuha rin ng mga pulis sa mga suspek ang tinatayang 450 gramo ng shabu, tatlong plastic sachet ng marijuana, 10 vials ng kesotea, at tatlong piraso ng hinihinalang ecstacy.

Nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng Makati City Police at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 27 (Criminal Liability of a Public Officer or Employee for Misappropriation, Misapplication or Failure to Account for the Confiscated, Seized and/or Surrendered Dangerous Drugs & others) ng Article II, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Makati Prosecutor’s Office.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *