Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MMDA Chair Danny Lim, a man of principle

HINDI nagkamali ang ating Pangulong Digong Duterte sa pagkakatalaga niya kay ret. Brig. Gen, Danilo  Lim bilang MMDA chairman dahil subok na sa serbisyo publiko.

Ayaw na ayaw niya ang baluktot na trabaho at nakita n’yo naman nilabanan ang katiwalian sa nagdaang administrasyon.

Nakita rin natin ang ginawa niya sa Bureau of Customs.

Marami siyang pinatino at ‘di siya nasangkot sa katiwalian noong siya ay Depcom for Intelligence.

Iba kasi si Gen. Danny Lim dahil ang gusto niya ay linisin ang katiwalian sa MMDA.

Linisin ang basura at pagandahin lalo ang Maynila.

Naniniwala tayo na marami siyang magagawa para sa bayan at isa sa mga mandato niya ay linisin ang hanay ng MMDA lalo ang mga gumagawa ng kalokohan.

Pinagkatiwalaan ng Pangulo kaya dapat natin siyang tulungan para maging maayos ang bansa lalo sa mga kalsada at maalis nang tuluyan ang trapiko sa bansa.

Isa siya sa mga ikinararangal na opisyal ng kasalukuyang administrasyon at wala tayong maipupuna sa kanya dahil subok na siya sa performance.

Estrikto pero may puso sa tao lalo sa mga naaapi.

Kaya huwag na huwag ninyong susubukan si MMDA Chairman Danny Lim dahil may paglalagyan kayo sa kanya lalo ‘yung mga abusadong enforcer at sa mga illegal na vendor, sana huwag nang matigas ang ulo dahil ang gusto lang ni Gen. Lim ay maiayos ang lahat.

Good luck Chairman Lim, naniniwala kami na mas marami pa kayong maaayos sa buong kamaynilaan.

Pagpalain po kayo ng Panginoon.

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …