Monday , December 23 2024

Pagkakaisa himok ni Digong sa Muslim (Sa pagwawakas ng Ramadan)

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapatid na Muslim na ituon ang kanilang atensiyon sa mga pagsusumikap tungo sa pambansang pagkakaisa at ikabubuti ng sangkatauhan na pinakamainam na paraan upang maipamalas ang pagmamahal sa Diyos.

“Together let us work towards building a society that is grounded on love, mutual respect and understanding. May this special day bring happiness, peace and prosperity to everyone. Eid Mubarak,” anang Pangulo sa kanyang Eid al Fitr message kahapon.

Inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang ipinatupad na walong oras na humanitarian ceasefire kahapon, bilang paggunita sa Eid al Fitr sa Marawi City, u-pang ipakita ang pagkakaisa sa lahat ng mga Muslim.

“It is a sincere gesture which shows respect to the Muslim faith and acknowledges our cultural diversity of our society,” ani Abella.

Idineklara ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang eight-hour ceasefire sa military operations sa Marawi City kahapon, mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dos ng hapon.

Ipinadala ng Philippine Navy ang BRP Davao del Sur sa Cotabato upang umayuda sa pagdadala ng military supplies at relief goods at bilang back-up floating medical facility upang gamutin ang mga sugatang sundalo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *