Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tria humakot ng titulo

HUMAKOT ng titulo si Jose Antonio Tria matapos kalusin ang mga nakalaban sa finals ng 19th HEAD Junior Tennis Satellite Circuit sa Subic Bay International Tennis Center sa Olongapo City.

Ibinalibag ni top seed Tria si Luigi Bongco 6-3, 6-2, sa pagkopo ng 16-and-under boys’ singles crown.

Pati ang boys’ 18-under singles ay kinopo ni Tria nang pulbusin si Jonas Joseph Silva 6-1, 6-2, at nakipagtulungan kay Justin Labasano para madaklot ang 18-below boys doubles.

Kinalawit ni Axl Lajon Gonzaga ang 12-under singles sa pagtumba kay Joewen Pascua 5-7, 6-3, 6-3; sorpresang tinuhog ni  Pascua si top seed Rafael Liangco 4-6, 7-5, 6-1 sa 14-and-under final; at nasikwat ni Ginnuel Manlapaz ang 10-under unisex sa pagkaldag kay Kidlat Estogero, 4-2, 0-4, 4-0.

Sa girl’s division, nagreyna sa 18-under singles si Bianca Pica nang talunin si Jhastine Red Ballado 7-5, 1-6, 6-1. Bumawi si Ballado sa 16-under nang sipain si Althea Faye Ong 6-3, 7-5.

Kampeon sa 12-under si Annika Diwa, si Ong sa 14-under. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …