Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Half-brother at madrasta ni Pia, umangal; Ipinalabas sa MMK, mali

MUKHANG hindi nagustuhan ng half-brother ni Pia Wurtzbach na si Alexander at ina nitong si Robie Asingua ang MMK story ng 2015 Miss Universe na ipinalabas nitong Sabado dahil may mali raw sa kuwento ng dating beauty queen.

Iniangal ng mag-inang Alexander at Robie na hindi sila nanghingi ng tulong pinansiyal kay Pia noong nagkasakit ang ama nito at hindi rin nagustuhan ng una na siniraan ang kanyang tatay.

Masasakit na salita ang mga ipinost ng mag-ina sa kanilang FB account bagay na hindi na namin inilathala pa.

Nabanggit din ng half-brother ni Pia na magpalit na lang siya ng pangalan at huwag gamitin ng namayapang ama.

Noong nanalo si Pia bilang 2015 Miss Universe ay hindi umeksena ang mag-inang Robie at Alexander marahil ay ayaw nilang masabihang nakikisawsaw.

Pero nang mapanood nila ang Maalaala Mo Kaya ay at saka sila umalma.

Kailangan sigurong klaruhin ni Pia ang isyung ito sa kanyang half-brother at sa ina nito.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …