Saturday , November 16 2024

6 timbog sa anti-drug ops sa Munti

ARESTADO ang anim katao sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Muntinlupa City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, ang mga nahuli na sina Carlo Jay Cabilangan, Albert Butulan, Mel Jason Fernandez, Felipe Berja, Allan Lorete at Eugene Eligarco, pawang mga residente ng Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa talamak na bentahan at paggamit ng droga sa T. Puarel Compound ng lungsod.

Dakong 9:00 pm, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng Special Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Muntinlupa City Police sa nasabing lugar, nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek makaraan maaktohan habang gu-magamit ng ilegal na droga. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *