Monday , December 23 2024

Maute member arestado sa Kyusi (Sa tangkang atake sa US Embassy)

INIHARAP ni QCPD District Director Guillermo Eleazar kina PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, at NCRPO chief, Chief Supt. Oscar Albayalde, sa media si Nasip Ibrahim alyas Nasip Sarip, miyembro ng teroristang grupong Maute Group, makaraan maaresto sa pagsalakay sa Brgy. Culiat, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
INIHARAP ni QCPD District Director Guillermo Eleazar kina PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, at NCRPO chief, Chief Supt. Oscar Albayalde, sa media si Nasip Ibrahim alyas Nasip Sarip, miyembro ng teroristang grupong Maute Group, makaraan maaresto sa pagsalakay sa Brgy. Culiat, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang isa sa mga teroristang miyembro ng Maute terrorist group, na respon-sable  sa tangkang pagpapasabog sa US embassy noong 28 Nobyembre 2016 sa Roxas Boulevard, Maynila.

Sa ulat ni QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, naaresto si Nasip Ibrahim alyas Nasip Sarip, 35, tubong Marawi City, sa kanyang bahay sa 31 A Libyan Street, Salaam Compound, Brgy. Culiat, Quezon City.

Si Nasip ay inaresto dahil sa ilegal na pag-i-ingat ng mga baril, bala, pampasabog, at droga.

Ayon kay Eleazar, dakong 9:15 pm nitong 20 Marso 2017, sinalakay nang pinagsanib na puwesra ng QCPD-District Special Operation Unit (DSOU), Talipapa Police Station 3, at Armed For-ces of the Philippines, sa bisa ng warrant of arrest, ang bahay ni Nasip para arestohin si Jamil Baja Tawil, hinihinalang miyembro rin ng Maute terrorist group.

Si Tawil ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, at pinaniniwalaang ikinakanlong ni Nasip sa kanyang bahay.

Ngunit hindi natagpuan si Tawil sa bahay ni Nasip.

Sa imbestigasyon sa kinaroroonan ni Tawil, napansin ng mga opera-tiba ang nakapatong na isang kalibre .45 sa computer table sa loob ng bahay ni Nasip.

Nang walang maipakitang  dokumento para sa kalibre .45, sa presensiya ng mga opisyal ng Brgy. Culiat at Maranao tribal leaders, hinalughog ng mga operatiba ang nasabing bahay.

Sa sala, natagpuan ang isang KG 9mm machine pistol at IED (with detonation system) na nakalagay sa sling bag. Isa pang kalibre .45 ang na-tagpuan sa kuwarto ni Nasip, at pitong sachet ng hinihinalang shabu.

Sa nakalap na impormasyon ng QCPD, si Nasip ang driver ng navy blue Toyota Revo (PN XKT 424), na ginamit sa tangkang pag-atake sa US embassy.

Bago ang tangkang pagpapasabog, nakipagkita si Nasip sa tatlo ni-yang mga kasabwat na sina Isnadie Ibrahim alyas Bro Akh/ Inspire, tiyuhin ni Nasip, at kilalang sub-leader ng Maute group; Najib, at Rashid Kilala.

(ALMAR DANGUILAN)

Giit ng AFP:
WALANG MAUTE GROUP
SA METRO MANILA

NANINDIGAN ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), wala silang namo-monitor na mga miyembro ng Maute Terror Group, na nakapag-pe-netrate sa Metro Manila.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Col. Edgard Arevalo, walang report sa kanila ang kanilang intelligence community ukol dito.

Pinayohan ng AFP ang publiko, na manati-ling mapagmasid sa kanilang kapaligiran, sa harap nang pagkakahuli ng PNP sa isang miyembro ng Maute terror group sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Sinabi ni Arevalo, bagaman sa panig ng militar ay wala silang na-monitor na nakarating na rito sa Metro Manila ang paghahasik ng terorismo ng Maute terror group, hindi ibig sabihing magpapabaya na ang mga awtoridad.

Inirerespeto aniya nila ang basehan ng Pambansang Pulisya sa pagsa-sabing posibleng unti-unti nang nagtitipon dito sa kalakhang Maynila, ang mga miyembro ng Maute.

Dahil dito, nararapat lamang maging handa ang publiko, at makipagtulungan sa militar, sakaling may maobserbahang kakaibang kilos ng hindi kilalang mga personalidad sa kanilang komunidad para sa kaligtasan ng lahat.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *