Monday , May 5 2025

Resolusyon sa drug cases vs De Lima ilalabas na (Aguirre kakasuhan ni De Lima)

POSIBLENG ilabas na ano mang araw ngayong linggo, ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa isinampang mga kaso laban kay Sen. Leila de Lima, dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, baka hindi na lumagpas nga-yong linggo, ilalabas na ng Department of Justice (DoJ) ang resolusyon sa graft at drug trafficking complaints laban kay De Lima.

Paliwanag ni Aguirre, kaya natagalan ang paglabas sa resolusyon, dahil binubusisi pa ng panel of prosecutors, na pinangungunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, ang reklamo.

Ito ay para maresolba nang maayos ang kaso, at managot ang mga sangkot sa paglaganap ng droga sa bansa.

Noong 21 Disyembre  2016, “submitted for re-solution” na ang kaso, at inatasan ng DoJ ang “five-man panel of prosecutors” na magdesisyon sa isyu.

AGUIRRE KAKASUHAN NI DE LIMA

MAGHAHAIN ng reklamo si Senadora Leila De Lima laban kay Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre, sa tanggapan ng Ombudsman.

Ang pagsasampa ng kaso laban kay Aguirre ay kaugnay sa confidential memo para sa special treatment sa high  profile inmates na tumestigo laban sa senadora, at nagdiin sa kanya sa pagkakasangkot sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Iginiit ni De Lima, ang naturang confidential memo ay naging dahilan upang manumbalik ang mga kontrabando sa loob ng piitan.

Nagdududa ang senadora dahil walang ginagawa si Aguirre sa nasabing special treatment sa high profile inmates, katulad ni Herbert Ampang Colangco. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *