Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Common Station Project walang konsultasyon sa commuters

HINDI nagkaroon ng konsultasyon sa commuter group ang  P2.8 billion Common Station Project para sa LRT 1, MRT 3, at MRT 7, ito ang nabatid sa pagdinig ng Senate committee on public services, pinamumunuan ni Senadora Grace Poe.

Kaugnay nito, tutol si Bayan Secretary General Renato Reyes sa mga lugar ng common stations sa kahabaan ng EDSA, na magsasakripisyong maglakad nang malayo ang mga pasahero, para lamang pagbig-yan ang interes ng ilang malls sa lugar.

Sa naturang plano ng common station, tinututulan ni Reyes ang naging kasunduan ng gobyerno sa ilang may-ari ng malls, na daraan sa kanilang mga establisiyemento ang mga pasahero bago lumipat sa ibang tren.

Sinabi ni Reyes, sa nasa-bing proyekto, magsasakripisyo ang commuters para lamang sa interes ng malls.

Habang nilinaw ni Atty. Oscar L. Paras, Jr., project director ng MRT 7, kapag dumaan sa National Economic Development Authority (NEDA), posibleng nagkaroon na ng konsultasyon sa commuters group.

Kasunod nito, kinuwesti-yon ni Senadora Poe si Atty. Paras, kung talagang may naganap na konsultasyon, dapat pangalanan kung anong commuters group ang kanilang nakonsulta, na pumayag sa naturang sistema ng proyekto, na daraan sa malls ang mga pasahero bago makalipat sa ibang tren papunta sa kanilang pa-tutunguhan.

Ngunit imbes ibigay ang pangalan ng commuters group, sinabi ni Paras, kanilang aalamin at isusumite sa komite ang mga grupong nakonsulta para sa proyekto.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …