Monday , December 23 2024
PHil pinas China

China hinikayat ni Duterte magpatrolya (Gaya sa Somalia, Malacca Strait at Sulu Sea proteksiyonan)

INANYAYAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na magpatrolya sa international seas, ang hangganan ng Malaysia, Indonesia at Filipinas, upang masugpo ang kidnapping at piracy, na nagdudulot nang pagtaas ng presyo ng serbisyo at bilihin sa buong mundo.

“I also asked China. If they can patrol the international waters without necessarily intruding into the territorial waters of countries, we would be glad if we have their presence there,” anang Pangulo.

Aniya, kapag hindi naresolba ang naturang mga suliranin, maaaring iwasan ng mga cargo ship na magdaan sa Malacca Strait at Sulu Sea, umikot sa mas malayong ruta, magreresulta sa mas mataas na gastos na ipapasa ng mga negosyante sa presyo ng mga serbisyo at bilihin, na magiging pabigat sa mga consumer.

Hindi aniya kailangan na military ships ng China ang magpatrolya, kahit coast guard ships ay ubra na, tulad nang ginawang pagtulong ng Beijing sa Somalia.

“Hindi naman kailangan gray ships e. Sabi ko maski ‘yung coast guard cutter just to patrol like what they did in Somalia. Tumulong sila. Somalia has toned down. But dito sa Malacca Strait pati dito sa Sulu Sea, it remains to be a big problem. And kung masara ‘yan diyan, either they go up to the North, and if they’re headed for Mexico, down south, or dito ka magdaan sa mas malapit, which would mean higher costs, higher rate, higher insurance, it adds up to the goods and the services that governs the world, it’s always goods and services,” ani Duterte.

Matatandaan, tumulong ang People’s Liberation Army Navy ng China sa pagsugpo ng hijacking at piracy sa karagatan ng Somalia.

Bago kumilos ang China ay umabot sa $7 bilyon kada taon ang nawawala sa ekonomiya ng buong mundo dahil sa piracy at hijacking.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *