Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

23 katao nalapnos sa sumingaw na LPG station

011217_FRONT
UMABOT sa 23 katao ang nalapnos ang katawan makaraan mag-leak ang LPG refilling station sa Pasig City, nagresulta sa pagkalat ng apoy at nadamay ang dalawang kalapit na gas station, hardware at ilang kabahayan nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa Public Information Office ng Pasig City government, ang 23 biktima ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan dahil sa third-degree burns bunsod nang naganap na sunog na nagsi-mula sa storage area ng Ragasco Refilling station sa Sandoval Street, Brgy. San Miguel, Pasig City.

Sa 23 biktima, 22 ay mga empleyado ng LPG (liquefied petroleum gas) refilling station.

011217 LPG leak marikina fire
BINUHAT ng mga miyembro ng Marikina Fire Volunteer ang isa sa 23 biktima nang pagsabog at pagkasunog ng LPG refilling station sa Sandoval Street, Brgy. San Miguel, Pasig City. Nadamay sa insidente ang dalawang gas stations. (ALEX MENDOZA)

Ang isang biktima, empleyado ng furniture store, ay nabagsakan ng gumuhong pader bunsod ng impact ng dalawang magkasunod na pagsa-bog sa LPG refilling station.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinikap ng mga empleyado ng LPG refilling station na kontrolin ang leak bago inalerto ang BFP dakong madaling-araw.

Ayon sa BFP, ipinagbigay-alam lamang sa kanila ang insidente pa-sado 1:00 am.

Umabot ang sunog sa fifth alarm, ang pinakamataas na alarma, nakontrol dakong 2:23 am ngunit naapula ang apoy dakong 3:10 am.

Ang tinatayang pinsala ng sunog ay umabot sa P20 milyon.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …