Sunday , December 22 2024

10 kls Marijuana nadiskobre sa bus terminal

111616-marijuana-qcpd-daid
INIIMBENTARYO ng mga operatiba ng QCPD-DAID ang narekober na 10 bricks ng marijuana, halos 10 kilo ang timbang, makaraan madiskobre sa isang bus terminal sa Brgy. West Kamias, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

UMAABOT sa 10 kilo ng pinatuyong marijuana ang nadiskobre ng pamunuan ng Florida bus company sa storage ng kanilang terminal sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Wilson Delos Reyes, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9, dakong  12:30 am nang matuklasan ang bagahe na naglalaman ng bulto-bultong marijuana, isang taon nang nakaimbak sa baggage/storage ng terminal sa kanto ng EDSA at Kamias Road, Brgy. West Kamias, ng lungsod.

Natuklasan ang bagahe ng dispatcher na si Christopher Rodriguez at security on duty na si Julie Quaichon habang inaayos ng dalawa ang mga bagahe sa storage.

Nasa pangangalaga na ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa QCPD Headquarters sa Camp Gen. Tomas Karingal ang marijuana.

Ang nasabing bagahe ay nakapangalan sa isang Ermilinda Torres ng Cubao, Quezon City.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *