Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Epal si Grace Poe sa Marcos burial

MAKASAWSAW lang itong si Sen. Grace Poe sa usapin ng Marcos burial, kung ano-ano na ang pinagsasabi kahit wala namang kawawaan. Epal na epal ang dating at halatang media milage lang ang habol nitong si Grace.

At kailan pa naging abogado itong si Grace, aber?  Hindi kasi totoo ang sinasabi ni Grace na may conflict of law kung sakaling matuloy ang paglilibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Ang linaw ng naging desisyon ng Supreme Court nang ibasura ang pitong petisyon na naglalayong itigil ang paglilibing kay Marcos sa LNMB.

Sinasabi sa desisyon na si Marcos ay dating pangulo, isang sundalo, at ang pagpapatalsik sa kanya sa pamamagitan ng people power ay hindi batayan para hindi ituloy ang Marcos burial.

E, ano ang pinagsasabi nitong si Grace na hindi maaaring ilibing si Marcos sa LNMB dahil sa maraming ginawang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law? Ano ang kaugnayan ng inilulutang na punto ni Grace sa naging desisyon ng SC?

Nasaan ‘yung sinasabi ni Grace na conflict with the law?

Kung hindi naman kasi abogado si Grace, hindi dapat na siya’y nagsasalita kung wala naman siyang malinaw na argumento lalo na kung hindi naman din siya biktima ng Martial Law.

At nasaan ba si Grace noong panahon na halos lahat tayo ay nakikibaka para sa isang tunay na kalayaan sa ilalim ng rehimeng Marcos? Nakahihiya itong si Grace, dahil malamang nasa malamig siyang kuwarto, nasa malambot na higaan, nagdidildil ng hamon at namamapak ng ubas.

Kung tutuusin, iniwan ni Grace ang mga ipinaglaban ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. At kung hindi niya alam, maituturing na last man standing si FPJ noong kasagsagan ng People Power I na inilunsad ng mga dilawan.

Si FPJ kasi ay nagtungo mismo sa Malacañang at inialok niya ang kanyang tulong sa pamilyang Marcos sa gitna ng mga kilos-protesta sa Kamaynilaan. Pero pinili  na lamang ng pamilyang Marcos na pauwiin si FPJ at baka mapahamak pa dahil sa nangyayaring malaking demonstrasyon sa Mendiola.

At hindi ba’t si FPJ rin ang humarap sa mga dilawan sa munisipyo ng San Juan nang pinatatalsik na si Erap bilang Mayor? Mahal ni FPJ ang pamilyang Marcos at nakapagtataka kung bakit kabaligtaran ngayon ang ikinikilos nitong si Grace sa mga naging laban ng kanyang amang si FPJ.

Baka nakalimutan na rin ni Grace nang magtungo siya sa Ilocos Norte noong nakaraang eleksiyon para kunin ang suporta ng mga Ilokano at pamilyang Marcos, may paiyak-iyak pa siya sa harap ni Imee?

Anong atraso ng pamilyang Marcos kay Grace? Sabi nga mismo ni FPJ… Inumpisan mo, tatapusin ko!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *