Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumapit Ka Lang ni Noemi Ocio, itinanghal na Best Song sa ASOP

MATAGUMPAY na nairaos ng UNTV ang kanilang A Song of Praise (ASOP) Music Festival year 5 Grand Finals kamakailan sa Araneta Coliseum na itinanghal na Grand Winner bilang Best Song ang Kumapit Ka Lang na komposisyon niNoemi Ocio at ininterpret ni Mela.

First runner up ang God Will Always Make A Way nina Glen Bawa at Ronald Calpis na inawit ni Bugoy Drilon.

Second runner-up ang Araw at Ulan ni Joselito Caleon at kinanta ni Sitti.

Samantalang nag-tie naman bilang 3rd runners up ang You Stood By Meni Vincent Labating at ininterpret ni Jason Fernandez at ang Mula Sa Aking Puso ni Joseph Ponce at ininterpret ni Carlo David.

Best Interpreters naman sina Jason Fernandez (na kumanta ng You Stood By Me) at Bugoy Drilon (na umawit ng (God Will Always Make A Way).

Ang awiting Ikaw Lamang ang itinanghal na People’s Choice Award na komposisyon ni Jonathan Sta Maria at ininterpret ni Tim Pavino.

Pinangunahan ng veteran actress, singer, at Philippine cinema’s superstar na si Nora Aunor ang listahan ng mga hurado ng gabing iyon at sinamahan siya ng mga kilala at iginagalang sa industriyang tulad nina Mon del Rosario, veteran song writer at ASOP resident judge; OPM Male balladeer Jade Madela; Lifestyle and Entertainment Editor Isah Red; Record Label Executive Jonathan Manalo; at Multi-awarded Songwriter Trina Belamide.

Ang ASOP Music Festival ay isang songwriting competition sa telebisyon. Ito ay innovation ng notable broadcast journalist at UNTV-BMPI’s CEO at Chairman na sina Kuya Daniel Razon, Bro. Eli Soriano, ang host ng longest running religious program, Ang Dating Daan, at ang Members Church of God International (MCGI) na siyang primary sponsors ng programa.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …