Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

TV host na hindi maka-Digong nasa Palasyo ngayon

THE WHO si TV host na nahawa na rin yata sa dumi ng laro ng politika dahil marunong na rin siyang tumalon sa ibang bakod kapag dehado na ang kanyang manok?

Hik hik hik hik hik hik hik.

Pak, pak, ganern!

Ayon sa ating Hunyango, “Ang Intense” or in short, A.I. raw noon sa pangangampanya si TV host as in napakamarubdob sa kanyang ginagawang pagho-host tuwing may caucus ang presidential bet niya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Har har har har har har har!

Talaga lang ha?!

Balita ko pa nga halos mapatiran daw ng ugat noon sa leeg si Sir sa tuwing ini-endoso niya ang kanyang presidentiable na matunog na matunog din naman ang pangalan ng mga araw na yaon dahil sa mga naglalabasang survey.

Hak hak hak hak hak hak hak!

Kulang na nga raw mag-tumbling at maglakad sa alambre si kuya para talagang ma-sure ball ang panalo ng bata niya pero kamalas-malasan nasilat ni “Tatay Digong.”

Ayayayayayayay!

O kay lupit ng kapalaran!

Pero teka lang, bago pa raw sumapit ang Pasko, ehek, ang eleksiyon, biglang nawala raw sa eksena si kuya.

Halos isang linggo na lang yata at halalan na noon nang mag-disappear siya sa pangangampanya.

Nasaan na siya?!

Nawalang parang bula?

Opo nawalang parang bula at paglu-tang niya ulit sa madlang people, kataka-takang nasa kampo na siya ng ating mahal na Pangulong Duterte!

Wahahahahahahahahaha!

Tinamaan ng magaling!

Heto pa ang mamingat, nang lumutang siya, nabigyan pa ng posisyon sa gobyerno ni Tatay Digong, ang oportunista! Este si TV host!

Saan ka pa o ‘di ba?.

Pambihira ‘yan, para ka na ring pulpolitiko.

May  kilala akong ganyan na columnist/reporter na sa pula sa puti rin noong election time.

Magsama kayo!

Babu!

THE WHO? SCANDAL
ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …