PANIGURADONG daragsa ang mga BKs sa darating na Linggo sa pista ng Metro Turf (MT) sa Malvar, Batangas dahil ipagdiriwang ng lahat ng bumubuo sa samahan ng “Klub Don Juan De Manila” (KDJM) ang kanilang ika-15th Racing Festival para sa taong ito. Bukod sa apat na malalaking pakarera ng KDJM ay tampok din sa Linggo ang dalawang malaking pakarera mula sa tanggapan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM), iyan ay ang “Sampaguita Stakes Race” at “1st Leg 3YO Imported Fillies Stakes Race”, kaya kung may panahon na rin tayo ay tara nang magtungo sa Metro Turf ngayong weekend. Ang apat na pakarera ng KDJM ay ang mga sumusunod.
Ang una ay “KDJM Juvenile Colts” na kinabibilangan ng mga bagitong (2YO) kalalakihang mananakbo na sina (1) Tap Street, (2) Lafu Island, (3) Batang La Paz, (4) Biglang Buhos, (5) Metamorphosis, (6) Selfie at (7) Salt And Pepper. Lalargahan ang laban nila sa distansiyang 1,400 meters at may nakalaan na halagang P300,000.00 bilang guaranteed prize sa may-ari o koneksiyon ng mananalong kalahok.
Ang kasunod ay ang “KDJM Juvenile Fillies” na para naman sa mga bagitong (2YO) kababaihang kabayo na sina (1) Kamay Na Bakal, (2) Mysterious Sound, (3) Aero Tap, (4) Security Empress, (5) Divine Dancer, (6) Rochelle, (7) Casino Royale at (8) Bossa Nova. Lalargahan ang takbuhan nila sa parehong distansiya na 1,400 meters at may nakalaan na halagang P300,000.00 bilang guaranteed prize sa may-ari o koneksiyons ng mananalong kalahok.
Ang pangatlong pakarera nila ay ang “KDJM Golden Girls Stakes Race” na nilahukan ng mga lokal at imported na kabayong sina (1) Silver Sword, (2) Our Angel’s Dream, (3) Green Card, (4) Love To Death at (5) Strong Champion. Lalargahan ang laban nila sa medyo mahabang distansiya na 1,800 meters at may nakalaan na halagang P300,000.00 bilang guaranteed prize sa may-ari o koneksiyons ng mananalong kalahok.
Ang pinakatampok nilang pakarera ay ang “KDJM Derby” na kinabibilangan ng tatlong kabayo lamang na sina (1) Bite My Dust, (2) Dewey Boulevard at (3) Space Needle. Lalargahan ang tampok na labanang iyan sa mas mahabang distansiya na 2,000 meters at may nakalaan na halagang P900,000.00 bilang guaranteed prize sa may-ari o koneksiyons ng mananalong kalahok.
Ang unang malaking pakarera ng PHILRACOM ay ang 2016 PHILRACOM “SAMPAGUITA STAKES RACE” na kinabibilangan ng mga nominadong kabayo na sina Court Of Honour, Gentle Strenght, Hook Shot, Malaya, Marinx, Skyway at Up And Away. Lalargahan iyan sa mahabang distansiya na 1,800 meters at may nakalaan na halagang P900,000.00 bilang gross prize sa koneksiyon ng magwawaging kalahok. May halagang P60,000.00 din na matatanggap ang breeder ng mananalong kalahok.
Ang isa pa nilang malaking pakarera sa Linggo ay ang 2016 PHILRACOM “1st Leg, 3YO Imported Fillies Stakes Race” na ang mga kandidatong maglalaban ay sina Ava Jing Pot Pot (AUS), Ava Natalia (AUS), Daiquiri Lass (USA), Love Rosie (USA), Medaglia Espresso (USA), Real Flames, Since When at Yongyong. Isang napakagandang laban ang ating masasaksihan sa grupong iyan kung sakaling matutuloy na mabuo silang walo. Maglalaban sila sa distansiyang 1,600 meters at may nakalaan na halagang P300,000.00 bilang gross prize sa may-ari ng mananalong kalahok.
REKTA’s GUIDE (San Lazaro/6:30PM) :
Race-1 : (1) South Apo/Master Maker, (2) Topnotcher, (6) Kisskissbangbang.
Race-2 : (7) PUERTO PRINCESA.
Race-3 : (2) This Time, (1) Whatzap, (3) Pronto.
Race-4 : (2) Amulet, (3) Cat’s Regal.
Race-5 : (2) Manuguit Princess, (1) Since When, (7) Steadfast Of Love.
Race-6 : (2) Gracepark Boy, (4) Top Secret, (1) King’s Guard.
Race-7 : (5) Guanta Na Mera/Turf Moor, (7) Spring Collection.
REKTA – Fred L. Magno