INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakda niyang kausapin si MNLF Chairman Nur Misuari sa Davao para sa usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa sandaling lumantad na si Misuari, bibigyan siya ng safe conduct pass ng gobyerno.
Inihayag ng Pangulo, magandang indikasyon ang ipinakikita ni Misuari para malutas ang problema sa Mindanao.
Ngunit inilinaw ng Pangulo, hindi siya sang-ayon sa panukala ni Misuari na isama ang Abu Sayyaf sa mga kakausapin.
Iginiit ng Pangulo na ibang isyu ang kinasasangkutan ng Abu Sayyaf dahil ito ay may kinalaman sa criminal activities at walang kinalaman sa ano mang political ideology na isinusulong ng Bangsamoro people.