Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronwaldo, tiyak na kikilalanin din ang galing tulad ni Coco

PUSH pa more. Pinag-usapan na nga ang kakaibang pagganap ng nakababatang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo sa Pamilya Ordinaryo at marami rin ang nagsabing kung sakaling aalagwa nang husto ito eh, siguradong ibang landas din ang tatahakin nito sa kanyang pag-arte.

Kumpara sa kanyang Kuya, mukhang ang tipo ni Ronwaldo ang matagal mag-warm-up sa pagiging outspoken maski sa mga nakakasama sa trabaho. Ayon nga sa tumatayong handler nito na si Ferdinand Lapuz, nang magtungo sila sa Italy kamakailan, hindi pa rin daw maalis kay Ronwaldo ang pagiging mahiyain. Todo ang suporta ng Kuya niya kay Ronwaldo at talagang bawat kilos nito eh, inaalam.

Ayon kay Ronwaldo, ”Nag-enjoy naman kami sa Venice. Ang saya ko po kasi, noon ang ginagalaan ko lang eh, Novaliches. Ngayon, sa Italy na ako nakapasyal.”

Ngayon nga ay nagsimula na ito sa isa pang pelikula, ang Kids of War na isinu-shoot sa Tayabas, Quezon.

Iisang landas man ang sinimulan nila ng Kuya Coco niya, nakikinitang iba pa rin ang ibubunga ng pagsisikap ni Ronwaldo na maging isang mahusay na aktor na kikilalanin din gaya ng Kuya niya.

At mukhang lahat din naman ng bilin ng Kuya niya eh, sunod na sunod ni Ronwaldo. Gaya ng panliligaw at pagkakaroon ng karelasyon.

“Ayoko pong biguin ang Kuya ko. Ito po ang sinabi kong gusto kong gawin at sinusuportahan naman niya ako. Kaya, lahat naman po eh, gagawin ko para hindi ako mapahiya sa kanya.”

Sa ngayon, ini-enjoy din muna nito ang pagdalo sa mga film festival abroad. At talagang ibinibilin sa kanya ni Coco na huwag palampasin ang nasabing mga pagkakataon.

Inaabangan na lang ang pagsasama nila sa isang proyekto o kung kailan magpo-produce ng pelikula kundi man TV project para kay Ronwaldo si Kuya.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …