Friday , November 22 2024

Dan, Dunoy dapat imbestigahan ayon sa BKs

MAGANDANG bakbakan ang naging resulta sa unang karera nung isang gabi sa pista ng San Lazaro na kung saan ay nagkapanabayan ng isa’t-isa pagsungaw sa rektahan ang magkalabang sina Getting Better at Aranque na parehong sinakyan ng apprentice riders na sina Wilden Delfin at Jeric Pastoral.

Walang humpay na ayudahan ang dalawang bagong hinete dahil head-to-head ang labanan, hanggang sa natiyempo naman na pagtapat ng linya ay eksaktong umungos ang dala ni Wilden at nagwagi sila ng ga-ilong na kalamangan laban kina Jeric. Pumangatlo ang galing sa likuran na si Babe’s Magic ni Mhon Raquel Jr. at pumang-apat ang palaging palaban na si Promise ni Claro Pare Jr. Ang kalahok na si Magdapio,  nagalit ang mga BKs dahil sa umpisa pa lang, naramdaman na nila na peke o pakitang-tao lang ang pagdadalang ginawa ni Dan Camañero sa kabayo. Dahil batid ng nakararami sa atin na isang diremateng mananakbo iyang si Magdapio, gayong pilit na isinabay at ibinandera ng maaga, tapos papasok sa medya milya (800 meters) ay unti-unti nang nagmenor si Dan hanggang sa mawala na sa eksena. Kaya dapat na maimbestigahan din iyan kahit pa may ideya ang ilan na balak pababain ng grupo si Magdapio.

Anyway, para sa karagdagang kaalaman na lamang na kapag sa San Lazaro ang karera ay kadalasan ganyan ang ginagawa ng mga biyahe o perder na pakaskasin ang kanilang sakay sa loob ng unang dalawang kuwartos, sabay aawat na sa gitna ng distansiya. Ika nga ay para bagang sinasabi ng hinete na “malayo na akong masuspinde, kasi nakita na nila akong sumasali sa harapan at umaayuda agad.”  Sa usaping iyan diyan sa San Lazaro na kung talagang nagtutulog-tulugan ang mga SLLP Board Of Stewards ay kayo na lamang din ang humatol sa mga pekeng pananakay. Okidoks.

Sa kasunod na takbuhan ay bumaderang tapos ang kabayong si Total Defiance na nirendahan ni Mart Gonzales laban kina Yani Noh Yana ni Patar Guce, Alki ni Sadam Pilapil at Coastline ni Alan Pare.

Sa ikatlong karera ay kinalabit na ang kalahok na si Brother Song, kaya naman nakapitas na sila ng isang panalo ng kanyang hineteng si Jiger Paano. Ang sumegundong si Marc Jayson Hill ay hilaw ang nakitang pananakay kay Bryle Llarenaz ng ilang beteranong klasmeyts natin. Ang nagbabalik na si Queen Cheetah ay unti-unti nang nababatak at manunumbalik ang kanyang buti, kaya lagyan lang kahit papaano. Sina Colonial Star, Nothing To Fear ay Wishful Splendor ay naibaba pa ulit ng isang grupo, kaya manmanan at baka pumitas kaagad ng premyo.

Sa ikaapat na takbuhan ay nagwagi ang malaking imported na kabayong si Manuguit Princess na pinatnubayan ni Jonathan Juco, na bagama’t may kalakihan ay medyo bata pang manakbo at para sa akin ay kulang pa ang hangin sa katawan. Kamuntik tuloy siyang abutan ni King’s Reward ni Mart Gonzales kung hindi lang malayo ang pinanggalingan at may distansiya pa

Sa ikalimang karera naman ay kitang napupunto talaga at mainam manakbo sa may tabng balya ang kabayong si Alta’s Finest, kaya muli silang nakapitas ng panalo. Ang kalaban niyang si Piskante na mas inaasahan ng nakararami ay mukhang may kalokohang naganap at nagpabaya ang hinete niyang si Dunoy Raquel Jr. ayon sa mga beteranong karerista? Una – sa largahan ay kitang-kita na sinaltak si kabayo. Pangalawa – gayong naiwan na sa grupo ay bakit hindi pa kaagad humabol upang maipuwesto ng maganda si Piskante, gayong maikli ang distansiyang pinaglalabanan. Pangatlo – bago mag-tres oktabos ay kitang-kita na hindi pa kapursigidong ikinikilos o ginagalawan si Piskante ? Pang-apat,  kung kailan huli na ang lahat ay dun pa lang magpapakawala o aayuda ng husto sa ibabaw? at panglima ay nakuha pang masegundo, eh paano kung talagang tinotoo at kinilusang maiigi bilang isang class-A rider ay malamang na nanalo at hindi nabigo ang ibang mga BKs.

Sa pagkakataong ito ay tinatawagan ko ang tanggapan ng PHILRACOM hinggil sa klase ng pagdadalang nagawa sa mga kabayong sina Magdapio at Piskante .

REKTA’s GUIDE (Sta. Ana Park/6:30PM) :

Race-1 : (3) Board Walk, (2) Battle Hill, (4) Jetsun.

Race-2 : (6) Sweet Music, (3) Swerteng Lohrke, (4) Westerner.

Race-3 : (8) Lady Leisure. (13)Angel Brulay, (4) Smarta.

Race-4 : (6) Simply Elegant, (3) Eccles Cake, (7) Wow Ganda.

Race-5 : (2) Fiore Selvatico, (4) Flying Gee, (1) Vera Cruz.

Race-6 : (1) SONG OF THE HOUR.

Race-7 : (3) Zapima, (1) Pearl Bull, (2) El Mundo.

Race-8 : (5) Love To Death, (2) Wannabe, (3) Palos.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *