Friday , November 22 2024

Mayon Volcano bumanderang tapos

NAKADALAWANG panalo ang kuwadra ni Ginoong Wilbert T. Tan nung Biyernes ng gabi na pakarera sa pista ng Sta. Ana Park sa Naic, Cavite. Ang unang nagwagi ay ang bago niyang mananakbo Lafu Island na pinatnubayan ni Mark Angelo Alvarez. Sa largahan ay mabilis na umarangkada sa gawing labas ang paboritong si Ultimate Royal ni Jordan Cordova at nakasunod sa likuran sina Mark. Pagdating sa medya milya (800 meters) ay nagkapanabayan na ang dalawa sa harapan kasunod na papalapit na rin ang magkadikit sa tersero puwesto na si Mr. Ambassador ni Mart Gonzales katabi si Mia’s Star ni Jesse Guce, habang nasa ikalimang puwesto naman si Battleground ni Ryan Base at nasa hulihan si Margarita ni Mhel Nahilat. Sa tres oktabos (600 meters) ay bahagyang umangat ulit ng may isang kabayong layo ang dala ni Jordan laban kay Mark, nasa tersero pa rin si Mr. Ambassador na may tatlong kabayong layo. Sa pagkakataong iyan ay mabilis na rin na sumusugod ang dala ni Ryan na si Battleground. Pagsungaw sa huling kurbada ay magkapantayan ulit ang dalawang nasa unahan, habang nasa likod si Mr. Ambassador at ang malakas na rumeremate sa may tabing balya na si Battleground. Sa huling 250 metro ay lumamang na sina Lafu Island sa pagod nang si Ultimate Royal, sabay pasok na rin sa bakbakan ang nasa labas na si Mr. Ambassador at ang nasa tabing balya na si Battleground. Sa loob ng huling 100 metro ay walang humpay na pagpalo at pag-ayuda na ang ginawa ni Mark kay Lafu Island at nasa gawing kaliwa na niya sa loob si Battleground. Magagayon pa man ay hindi iyon naging alintana kay Mark, kaya nagpatuloy lamang siya sa paggalaw sa ibabaw at nung binigyan niya ulit ng ilang palo si Lafu Island ay nagresponde naman si kabayo sabay layo ng may mga tatlong kabayong agwat hanggang sa makarating sa meta. Naorasan ang laban na iyan ng 1:16.2 (25′-23′-27′) para sa distansiyang 1,200 meters.

Ang isa pang panalong nakamit ni Ginoong Tan ay sa kabayo naman niyang si Mayon Volcano ni Mark Alvarez Alvarez na bumanderang tapos at hindi na pinaporma pa ang kanilang mga nakalaban. Sa alisan ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Mark at inagaw na agad ang unahan, habang nakasunod sina Legionaire ni Dudong Villegas at Chocolate Hills ni Jesse Guce. Sa medya milya (800 meters) ay may mga tatlong kabayong layo si Mayon Volcano kay Legionaire, sabay dungaw na na rin mula sa labas si Classic Example katabi si Chocolate Hills. Sa tres okatbos (600 meters) ay nanatiling bandera pa rin si Mark, habang iyong tatlong nasa likuran ni Mayon Volcano ay mahigpit na nagbabakbakan sa segundo puwesto. Pagsungaw sa rektahan ay binibuhan na ni Mark ang kanyang sakay, kung kaya’t kumamot pa ng husto si Mayon Volcano sa solong pumapangalawang si Legionaire. Papasok sa huling 100 metro ay iginitna ni Mark si Mayon Volcano upang maging safe at insured na silang dalawa hanggang sa makatawid sa meta. Tumapos si Mayon Volcano na may tiyempong 1:14.4 (25-22′-27) para sa parehong distansiya na 1,200 meters.

Sa pagkakataong ito ay nais kong batiin si Ginoong Wilbert T. Tan sa pagkapanalo ng kanyang dalawang alaga at harinawa’y magpatuloy na pumasok pa ang mga biyaya sa inyong kuwadra. Basbasan din ang tatlong bagong 2YO na sasali ngayong hapon na sina Puerto Princesa, Caramoan Island at Sabtang Island. Congrats din kina trainer Arthur Sagun at pareng Winny Boy, siyempre pati sa mga sota ng  kuwadra.

REKTA’s GUIDE (San Lazaro/6:30PM) :

Race-1 : (4) Aranque, (12) Magdapio.

Race-2 : (9) Coastline, (7) Alki, (2) Felix The Arch.

Race-3 : (10) Marc Jayson Hill, (5) Brother Song, (8) Queen Cheetah.

Race-4 : (6) Celinderella, (5) Manuguit Princess, (7) King;s Guard.

Race-5 : (3) Piskante, (2) Alta’s Finest, (5) Dauntless.

Race-6 : (7) Magnetism, (5) Lucky Gunner, (4) Real Talk.

Race-7 : (11) Love Rosie, (8) Homonhon Island.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *