Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teri at Onse may away, paano na ang Nura versus Velma?

NURA Versus Velma? Sa August 31, idaraos na ang ikaapat na repeat ng longest comedy show ni Mamu Andrew S. De Real sa kanyang The Library Sing-Along Bar na nasa Maria Orosa street na sa Malate.

Sina Teri Onor na at Onse Tolentino ang gumaganap sa katauhang unang ipinakilala nina Allan K. at Lenard Obal bilang magkaibigang diehard fans nina Nora Aunor at Vilma Santos.

Kumbaga, the saga and the journey of Mercy and Pinang continues.

Pero recently, may sagutang namagitan sa mga bida sa kanilang social media accounts.

May hindi nagustuhan si Teri sa nai-post na komento ni Onse kaya nag-react ito violently for the first time sa kanyang social accounts.

Ang sabi naman ni Onse ay biro ang binitiwan niya at hindi niya inasahang may mga magre-react.

Naging sensitibo si Teri sa biro na ang tinutumbok eh, ang pagbababad o pagtambay ng mga tao sa condo niya. Na umano ang underlying message had something to do with drugs. Na wala naman daw ganoong nagaganap sa mga bisita niyang celebrities ang karamihan na bumibisita sa kanya.

Nairita siyempre si Teri dahil nga sa nasabing insinuation kaya galit na galit ito kay Onse na kahit nag-apologize na ay hindi pa rin nito matanggap.

At may paghamon pa nga na baka hindi ituloy ang show sa August 31!

Ang sabi ko lang, better notbuse this as a gimmick. Baka si Mamu naman ang magwala!

At maski may away silang ganyan kung totoo nga eh, magpaka-propesyonal sila sa kanilang obligasyon sa mga manonood!

Pero if ever, malamang na matanggal ang controversial nilang kissing scene ha.

Now, it’s Teri versus Onse!

Bring it on!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …