DAHIL sa sinabi ni Bianca Gonzalez na hindi dapat mailibing ang dating pangulong si Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani, bi-nash siya ng mga Pro- Marcos.
Ayon sa isa niyang basher, mag-PBB na lang daw siya dahil wala naman daw siyang kuwentang artista gaya ni Jim Paredes. Si Jim ay dating member ng Apo Hiking Society na sumikat noong 80’s na isa rin sa detractor ng tatay ni Sen. BongBong Marcos.
Noong makausap namin si Atty. Ferdie Topacio, sinabi niya na huwag na raw kuwestiyonin ng iba kung ililibing man sa Libingan ng mga Bayani si ex-President Marcos dahil nasa batas naman daw na ang mga puwedeng ilibing doon ay ‘yung mga naging pangulo ng ating bansa.
MA at PA – Rommel Placente