Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, ‘di na nagpapa-apekto sa mga puna at panlalait ng bashers

GAYA ng ibang artista, nakatatanggap din ng mga puna at panlalait si Alden Richards mula sa kanyang bashers. Pero kung noong una ay naaapektuhan siya, ngayon ay hindi na.

“Hindi po kasi talaga maiiwasan. Most of the time, talagang mayroon at mayroong masasabi ang mga tao kaya nasanay na rin po ako. Noong una po, siyempre medyo mahirap lunukin kasi ‘yung mga basher po, parang kilalang-kilala nila ‘ko, kilalang-kilala nila kami, kung paano nila kami pagsabihan ng kung ano-ano sa social media,” sabi ni Alden.

Masasabi naman daw ni Alden na hindi naman niya kawalan kung anuman ‘yung sinasabi ng bashers niya tungkol o laban sa  kanya. At mas mabuting pagtuunan na lang niya ng pansin ang mga taong tunay na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“At the end of the day naman po, ako pa rin naman po ‘to and siguro po, talagang ‘yung mga taong mahal ‘ko at ‘yung mga taong mahal ako, sila lang po talaga ang makakikilala at makaiintindi sa ‘kin,” aniya pa.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …