SA kanyang State of the Nation Address (SONA) kitang-kita talaga na ayaw ni Pangulong Digong Duterte na maiwanan ang mahihirap nating kababayan.
Pinahahalagahan din niya ang orphans ng mga namatay na sundalo sa digmaan sa Mindanao.
He has a good heart at kakaiba siya dahil may puso sya sa mahihirap.
Pati problema sa MRT/LRT at basura ay kanyang aayusin.
Gusto rin niyang wakasan ang ilegal na droga sa bansa natin.
***
Nakikita natin na napakaganda ng performance ngayon ng NBI sa pamumuno ni Director Atty. Dante Gierran na talagang lalabanan niya lahat ng illegal sa ating bansa.
Gaya ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ay talagang the best ang dalawang opisyal.
Matapang si Pangulong Duterte sa mga abusado at mapang-api pero may pusong malambot. Nakita naman ninyo, isang buwan pa lang siya pero ang dami na niyang accomplishment.
Kaya maraming humanga sa ating Pangulo pati buong mundo humanga sa kanya.
Malakas ang sense of humor ni President Du30 kaya ang masa ay sumusunod sa kanya. Pinagkakaisa niya lahat at gusto niya ay kapayapaan.
MNLF, NPA at lahat ng rebelde, ang gusto niya ay magkaisa para sa iisang bansa.
Nagpasalamat din tayo kay Pangulong Duterte dahil kanyang inaasikaso ang media killings.
Sana po ay ilabas na rin ang pangalan ng mga media na sangkot sa illegal drugs.
‘Yan ang Presidente natin kahit kinakatatakutan ay inirerespeto at sinusunod dahil sa kanyang political will.
Kaya ako humahanga rin sa pamilya niya na talagang napaka-down-to-earth din gaya ni Madam Mayora Sarah Duterte.
USAPING CUSTOMS NAMAN
Nagbago na kaya si alias POLPOL? Siya si alert dito alert doon kahit wala namang diperensiya ang kargamento? Sobrang yaman na raw at may malaking building sa Las Piñas.
***
Nagpapaliwanag daw si alias Kiko. Sabi niya: “Sir Jim dami ko kasi nasasagasaan sa pag-alert namin dahil puro baluktot ang trabaho nila. Ako ay isang hamak lang na inuutusan at wala akong kapasidad na mag-alert ng kargamento ‘pag walang utos ang boss ko.”
Tama naman si Kiko kaya nakikita ko rito na inggit ang namamayani sa iyo. Ingat ka na lang at may ahas sa loob ng opis n’yo.
***
Dapat ipatawag sa susunod sila Turingan, Al Caringal, Flores, Langkay at mga tirador na abogada at abogado ni BOC Comm. Nick Faeldon para kumustahin sila.
Marami ngayon sa customs na umaaligid kay Faeldon pero ‘di naman sila sumuporta kay Pangulong Duterte. Alam ng lahat na Binay at Poe sila noong nakaraang election.
May nagyayabang pa, taga-San Beda rin daw sila. E ano ngayon kung San Beda rin kayo? E paano kung corrupt at maraming reklamo sa inyo?!
Ayaw ni Pangulong Duterte ‘yang ganyang style. Kahit kaibigan ka niya kapag nasira ang trust and confidence niya sa iyo, sibak ka pa rin!
***
Minsan na nating nakaharap si Pangulong Digong noong dumalo sya sa birthday ng kaibigan kong kolumnista noong 2004 at ako pa ang sumalubong sa kanya noon. Di ko alam kung natatandaan pa niya ako. Simple lang talaga siya manamit. Kaya kayo mga maangas sa BOC, BIR, DPWH at BI, hindi kayo sasantohin ni Pangulong Digong kung corrupt kayo.
***
My deepest sympathy to our publisher and my kumpare Jerry Yap sa pagyao ng kanyang pinakamamahal na Ama.
Condolence to the family.
PAREHAS – Jimmy Salgado