NAPANOOD namin ang Ma’Rosa out of curiosity kung paanong nanalo si Jaclyn Jose ng best actress trophy sa Cannes Film Festival
Bilang si Rosa na ina na aside from her sari-sari store ay nagtitinda rin ng shabu hanggang may mag-tip sa kanya kaya siya nakulong ay mahusay naman si Jaclyn.
Kaya lang, hindi pam-best actress ang acting niya rito. Kulang siya sa emosyon sa mga eksena niya lalo na noong nasa opisina na siya ng pulis.
Maging ang last scene na ipinakita siyang kumakain ng fishball ay hindi rin impressive para sa amin.
We felt na hindi ito ang best acting niya pero sinuwerte lang siya dahil siya ang napiling best actress sa Cannes.
Actually, ipinakita sa movie kung gaano ka-corrupt ang ating mga pulis lalo na kapag may nahuhuli silang pusher. Talagang pinagkaperahan nila ang mga huli nila.
Kulang sa depth ang movie at ang acting ni Jaclyn. Para lang itong isang documentary, actually. Mas maganda pa nga ang documentary kasi mas natural ang acting.
UNCUT – Alex Brosas