Thursday , January 2 2025

Protesta ni Mayor Lim sa Comelec ginagapang ng “Utorni de Areglo”

ISANG “Utorni de Areglo” ang umano’y gumagapang sa Commission on Elections (Comelec) para maibasura ang electoral protest ni Manila Mayor Alfredo Lim laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Ito raw mala-ahas na paggapang sa poll body ang pinagkaabalahan ng Utorni de Areglo imbes ang pagsusumite ng memoranda ang atupagin para sagutin ang DISQUALIFICATION at ANNULMENT OF PROCLAMATION na inihain ng kampo ni Mayor Lim kaugnay ng malawakang dayaan sa katatapos na May 9 elections.

Balita natin, natapos ang itinakdang deadline ng Comelec First Division para sa pagsusumite ng memoranda pero nagmatigas ang kampo ni Erap na hindi ito sagutin, pati na ang naunang petisyon na inihain ni Mayor Lim.

Suspetsa ng ilan nating miron sa Comelec, sa halip daw magsumite ng kanilang sagot ay mukhang sa gapangan na lang daraanin ng Utorni de Areglo para impluwensiyahan ang naturang kaso.

Ilan umanong opisyal ng Comelec ang pilit kinakausap ng Utorni de Areglo para maibasura at mabalewala ang inihaing protesta laban kay Erap.

Ito ay matapos mabigong kombinsihin ng nasabing Utorni de Areglo ang ilang testigong hawak ng kampo ni Mayor Lim para bumaligtad sa mga isinumiteng salaysay na kanilang sinumpaan.

May mga ebidensiyang hawak ang kampo ni Mayor Lim para patunayan ang malawakang vote buying at ang maanomalyang pagkakaproklama kay Erap kahit hindi pa ganap na natatapos bilangin ang lahat ng mga boto.

Babalewalain kaya ng Comelec ang hindi pagsusumite ng kampo ni Erap ng memoranda sa kasong inihain ni Mayor Lim?

Abangan!!!

Protesta vs Erap desisyonan agad

PARA mawala ang pagdududa sa Comelec, dapat nilang madaliin ang paglalabas ng desisyon sa inihaing protesta ng kampo ni Mayor Lim.

Si Mayor Lim ang kauna-unahang kandidato na naghain ng protesta sa Comelec kaugnay ng katatapos na 2016 elections at unang dapat desisyonan para mabigyan ng hustisya ang mga Manileño.

Ang hindi pagsunod at pagbalewala ng kampo ni Erap sa hindi pagsusumite ng memoranda ay tinatawag na taktikang pusit at maniobra para patagalin ang kaso hanggang abutin na makapanumpa sa Hunyo 30 nang tanghali.

Habang walang desisyon sa protesta ay baka isiping totoo nga ang kumakalat na balitang may nagaganap na negosasyon o compromise sa Comelec.

Naghahanap nang sisisihin si Erap

MAY bagong gimik na niluluto si Erap para hindi mahalata ni incoming President Rodrigo Duterte ang mga kamalsadohang pinaggagawa niya.

Gustong palabasin ni Erap na sinabotahe siya ng ilang opisyal at kawani sa Manila City Hall kaya lumabas na masama ang tatlong taon niyang administrasyon sa lungsod.

Paano mangyayari ito samantalang pag-upo pa lamang niya noong 2013 ang pagtataas agad ng buwis ang inatupag niya at aprubado niya ang ipinasa ng City Council na Ordinance 8331 na nagtatakda na maniningil na sa mga pasyente ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Hospital, Jose Abad Santos Hospital, Santa Ana Hospital at Ospital ng Tondo.

Ayon sa ordinansa, mangongolekta na ng bayad sa mga pasyente ng anim na ospital ang mga nasa bracket A o B ay may 10% discount, habang ang nasa bracket C ay puwedeng mabigyan ng 25% -75% discount at walang bayad ang nasa D bracket.

Ang emergency patients naman ay sisingilin ng P200 at ang outpatient ay P100.

Para naman sa sasailalim sa ultrasound, magbabayad ng P300 hanggang P3,000; dialysis, P1,800 per session at P200 sa professional fee; physical therapy, P500 per session at P500 professional fee; X-ray, P60 at dagdag na P40 sa bawat FX-ray film; hand X-ray, P270; at CT scan, mula P2,500 hanggang P7,000.

Ang lahat ng serbisyo sa anim na pampublikong ospital ng Maynila ay LIBRE sa mga nagdaang administrasyon.

Itinaas din niya sa 300% ang ibinabayd na amilyar sa Maynila, pinagbawalan na makadaan sa mga kalye ng lungsod ang mga bus kung hindi gagamitin ang pribadong bus terminal sa Lawton.

Pinalayas niya ang mga legal na vendors sa mga public market ng siyudad, inilgay sila sa mga kalye para dumagdag sa libo-libong illegal vendors na kinokolektahan ng intelihensiya ng kanyang mga tauhan pero hindi ipinapasok sa kaban ng lungsod.

Isinapribado niya ang public markets, hindi idinaan sa bidding ang proyekto at ang nakasungkit sa kontrata ay mga kuwestiyonableng kompanya na may kaugnayan sa kanya.

Balita na pati ang Harrison Plaza ay naibenta na rin at tatayuan ng SM mall.

Pinayagan niya ang operasyon ng towing cum carnapping sa lungsod at talamak na pangongotong sa mga tsuper ng public vehicles at motorista.

Ilan lang iyan sa masasaklap na sinapit ng mga Manileño sa administrasyong Estrada kaya hindi niya puwedeng ikaila na wala siyang kinalaman.

Huwag na siyang magpanggap na malinis dahil bistado ni Duterte ang likaw ng kanyang bituka.

Sabi nga mismo ni Duterte, walang kaayusan sa Maynila.

Consla Partylist inahitan ng boto

GARAPALAN ang pandaraya noong nakalipas na halalan dahil hindi simpleng dagdag-bawas ang nangyari kundi ‘ahitan’ ng boto.

Maging ang Buhay party-list ay kombinsido na may iregularidad na nangyari sa resulta ng boto na nakuha ng Confederation of Non-Stock Savings and Loan Associations, Inc. (CONSLA) Party-list kaya suportado nito ang hirit ng CONSLA na imbestigahan ng Comelec ang pagmamanipula ng resulta ng katatapos na halalan.

Ayon sa reklamo ng CONSLA, malaki ang pagkakaiba sa bilang ng boto na nakuha nila mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at sa resulta ng boto nila mula sa Comelec.

Lumalabas anila na sa quick count ng PPCRV ay nakakuha ng 555,896 boto ang CONSLA, ngunit sa bilang ng Comelec sa official at final tally nito ay 213,814 lamang ang nakuha nilang boto.

Ganyan din ang inireklamo ng kampo ni Mayor Alfredo Lim dahil noong Mayo 9 dakong alas-7 ng gabi, ang resultang ipinakita ng ABS CBN TV Patrol na nakakuha ng 325,178 si Lim, habang 162,677 si Erap.

Ang mga resultang ipinakita ng TV stations at ng PPCRV ay pawang galing sa transparency server ng Comelec.

Pagkatapos ay biglang natigil ang bilangan nang mahigit isang oras at pagbalik ay naging Lim 253,225 at si Erap ay may 254,760.

Bakit bumagsak o nabawasan ang boto ni Lim at ng Consla Party-list?

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *