Sunday , April 27 2025

Politika na ang no. 1 sa puso ni PacMan

KUNG DATI, ang prayoridad ni Manny Pacquiao ay ang boxing fans at ang larong boksing—ngayon, una sa kanya ang Senado at ang kanyang constituents.

Kaya nang nanalo siya bilang Senador ng bansa, biglang kambiyo ang unang ideya niya na sasali siya sa Rio Olympics para asamin ang unang gintong medalya ng Pinas sa nasabing  quadrennial event.

Biglang naglaho sa kanyang isipan iyon.   Ngayon nga, una na sa kanya ang politika.   Period.

Kaya yung umaasa na babalik pa si Pacquiao sa ring…suntok sa buwan na ang ideyang iyon.

Sabagay, hindi mo na siya masisisi.   Marami na siyang ibinigay na karangalan sa bansa.  At ngayon nga, sertipikadong RETIRED na siya sa boksing.  Babu!

0o0

Bago pa magharap ang Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors sa NBA Finals—parang nasa cloud 9 ang fans ng Cavs dahil nga sa tingin nila, ngayon na ang pagkakataon ng kanilang iniidolong si LeBron James na magkampeon pagkatapos ng kanyang stint sa Miami Heat.

Kumpara kasi sa nakaraang season na tinalo sila ng Warriors sa NBA Finals, ngayon ay iba na ang atmospera ng laban dahil kung sa nakaraan ay wala sina Kyrie Irving at Kevin Love, ngayon ay kumpleto ang Tatlong Itlog para bumawi sa Warriors.

Isa pang pinagbabatayan ng Cavs fans ay ang pagdomina nina LeBron at mga kasama sa lahat ng nakalaban sa playoffs maging sa East Conference Finals.

Parang bagong overhaul ang team na kahit sino ang humarang ay giba.

Sa NBA Finals nga, nasubok ang tibay na inaasahan sa Cavs.  At sa dalawang laro sa kampo ng Warriors, nagiba sa imahinasyon ng fans ang binubuo nilang puwersa ng iniidolong team.

Dalawang beses silang tinambakan ng Warriors.

Pero teka.   Nasa Game 2 pa lang tayo.   Babalikwas ang Games 3 at 4 sa teritoryo ng Cavs.   Puwede naman silang makabawi at itabla ang serye.  Sadyang ganoon lang ang buhay sa NBA, kung kaninong kampo ang laro—llamadong-llamado na manalo.

Iyon nga lang—iba nang level ang inilalaro ng GSW pagdating sa NBA Finals at may kapasidad itong manalo kahit na sa teritoryo ng kalaban.

At iyon ang dapat na mapigilan ng Cavs para manatiling buhay ang pag-asang makuha ang kampeonato.   Hindi sila dapat maisahan ng Warriors sa sarili nilang teritoryo hanggang Game 6.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

About Alex Cruz

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *