Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano ni Coco, ayaw bitawan ng manonood

00 fact sheet reggeeNAPANOOD namin ang episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Lunes na bugbog sarado si Coco Martin alyas Cardo sa kamay ni Victor Neri bilang si Mayor Anton Guerrero na may hawak ng mga pasugalan sa barangay na nasasakupan ni Kapitana Flora o Lola Kap.

Habang binubugbog si Cardo ay nakasabit naman sa lubid si lola Kap na nagmamakaawa kay Mayor Anton na nahuli rin sa bandang huli dahil dumating ang mga kasamahan ni Cardo at mga pulis sa pangunguna ni Maja Salvador bilang si Glen na inakalang patay na ang kababata kaya nag-iiyak at dito nalaman ng manliligaw niyang si John Prats na hindi siya gusto ng dalagang pulis.

At dahil nahuli na si Neri ay papasok naman ang karakter na si Martha na gagampanan ng Hugot Queen na si Angelica Panganiban.

Si Martha ay sangkot sa lumalalang kalakalan ng droga sa bansa. Bukod kay Angelica, isang bagong karakter din ang dapat abangan sa pagpasok sa serye ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez bilang si Analyn.

Mapapanood na rin ang mga maaaksiyong tagpo ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ang mga eksenang kinunan pa sa Hong Kong.

Bongga, nag-shooting pala ang Ang Probinsyano sa HK, ano kayang bansa ang susunod? Mukhang maraming lugar ang lilibutin ng serye nina Coco dahil ayaw bitawan ng mga manonood dahil muling nagtala ng 44% sa ratings game.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …