NAKABALIK na nga kaya ng Pilipinas ang mag-iinang Kris Aquino, Josh, at Bimby?
Ito ang iisang tanong ng followers ni Kris sa Instagram kung bumalik na siya ng bansa dahil noong Biyernes ay nag-post siya ng, ”Bye Hawaii! As always, we had a wonderful visit!”
Wala pang dalawang buwang nanatili si Kris sa Hawaii base na rin sa pahayag nito sa lahat na mawawala siya sa mahabang panahon. Pero palaisipan pa rin na baka sa ibang state o bansa nagpunta ang mag-iina dahil base sa post ng TV host noong Linggo ng hapon tungkol sa laban ng Golden State Warriors versus Oklahoma City Thunder ay inilagay niya ang, ”It’s a TIE” gayung hindi naman tugma ang oras dito sa Pilipinas nang i-post niya.
Samantala, binati ni Kris si Congresswoman Leni Robredona nanalo bilang Pangalawang Pangulo ng bansa. Base sa post ni Kris, ”Congratulations @lenirobredo. “A friend told me — Kris, ‘wag mo naman itaya ang lahat, paano kung matalo si Leni? I smiled in reply & said marami kaming kakampi sa langit. Happy Birthday Sec. Jesse! @lenirobredo said in her speeches, Sec. Jesse was my friend, we only met later. I asked her for a pic for IG posting during PNoy’s birthday. I called my cousin @bamaquino & volunteered to shoot an endorsement for Leni. We shot March 15 at their home.
Samantala, may nasulat sa isang blogsite na nagkita sina Kris at Senator Antonio Trillanes sa Hawaii at may pinag-uusapan daw. Kaagad namang pinik-ap ito ng ilang pahayagan kaya kahapon ay nag-post si Kris sa kanyang IG account na hindi totoong nagkita sila ng nasabing senador na umalis ng bansa ilang araw pagkatapos ng Halalan 2016.
Base sa post ni Kris, ”I debated whether to address this chismis about Sen. Trillanes & me, heard about it yesterday from a cousin, a close friend, and an ABS coworker.
“I realized I’d let the malicious liars succeed by keeping quiet because by ignoring the made up Hawaii meet up- may maniniwala & may madadagdag na teleserye plot twists. I do have this venue w/ more than 2 million followers to tell the TRUTH. HINDI KAMI NAGTAGPO SA HAWAII ni Senator Trillanes. Kung gagawa ng script para siraan ako- mas galingan nyo naman please???”
Klinaro rin ng TV host na hindi niya siniraan si President-elect Rodrigo Duterte, ”check every post, interview, speech, kahit pa print pa natin lahat ng text messages ko – I have never spoken against President Elect Duterte- hanapin nyo pa his Kris Tv guesting when we taped in Davao & I said wish kong mag OJT sa City Hall nya.
“I am peacefully spending time w/ my sons, bumabawi sa kanila ng bongga because for too long I was a workaholic Mom- and this time is all for them.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan