Saturday , November 23 2024

Incoming PNP Chief nag-warning vs summary killings

NAGBABALA ang incoming chief PNP na si Chief Supt. Roland dela Rosa sa mga pulis na huwag ilalagay sa kanilang kamay ang batas kaugnay sa pinag-ibayong kampanya laban sa illegal drugs at iba pang krimen.

Ginawa ni De la Rosa ang pahayag kasunod ng mga impormasyon na nito lamang nakalipas na mga linggo ay dumarami ang mga suspek na sangkot sa droga ang napatay ng mga pulis.

Ayon sa heneral, baka “motivated” lamang o “confident” ang mga pulis lalo na at papasok ang bagong administrasyong Duterte.

Agad din siyang dumistansiya sa isyu kung nagpapakitang gilas lamang o nagpapasiklab ang mga pulis ngayon sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Samantala, tiniyak ni Dela Rosa na “hate na hate” niya ang summary killings na kinasasangkutan ng mga pulis.

Sa lalawigan ng Cebu, naiulat ang isang hinihinalang magnanakaw na pinatay, ibinalot nang packaging tape ang katawan at isinulat sa bond paper ang katagang “TULISAN KO” at “DUTERTE.”

Sinabi ng one star police general, hindi pa niya alam ang detalye ng nasabing kaso, ngunit ayaw raw niya na nasasangkot ang mga tauhan sa summary killings dahil ilegal itong gawain.

Dapat aniyang managot sino man ang mga may kagagawan.

Nagbabala rin siya sa mga gagaya pa o “magda-dramatize” sa nasabing gawain.

Kasabay nito, binalaan din niya ang mga barangay kapitan na hindi makikipagtulungan sa kampanya laban sa droga.

About Rose Novenario

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *